in

Nadine Samonte, hindi nakalimot

NADINE Samonte (FB)

BY RUEL MENDOZA

—-

NADINE Samonte (FB)
NADINE Samonte (FB)

KAHIT hindi na aktibo sa showbiz ang former actress na si Nadine Samonte, kabilang siya sa maagang nagpadala ng tu­long sa mga naging biktima ng pagputok ng Taal Volcano.

Sa kanyang Facebook account, pinost ni Nadine ang mga pinamili niyang sari-saring pagkain, tubig at face masks.

Noong mabalitaan ni Nadine at ng kanyang mister na si Richard Chua ang nangyari sa Batan­gas, agad silang namili ng relief goods na pinadala nila sa kai­bigang aktres na si Jennica Garcia na siyang namahala na­man sa distribution ng mga ito.

Gustuhin man ni Nadine na personal na mamahagi ng relief goods pero kailangan niyang un­ahin na asikasuhin ang kanyang dalawang anak.

Sey niya sa Facebook:

“Sana madami-daming pamilya ang matulungan namin. Gustuhin man namin na pumunta don kaya lang mahirap, walang magbabantay ng mga anak namin.”

Pinasalamatan niya si jennica.

“Ikaw na bahala @jennicauyt­ingco. Mabuti ang puso mo. Sala­mat at andon ka. Patuloy pa din ako nagdadasal na sana maging maayos na po ang lahat.”

Noong aktibo pa si Nadine sa showbiz, lagi itong handa na tu­mulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga bata at maysakit.

What do you think?

Written by Tempo Desk

Joshua Garcia, friend lang?

Lucky and unlucky in the Year of Metal Rat