in

La Oropesa ginagamit ng mga espiritu?

ELIZABETH Oropesa

 

ELIZABETH Oropesa
ELIZABETH Oropesa

KUWELANG lola si Elizabeth Oropesa bilang si Lola Char sa primetime teleserye na “The Gift.”

Hindi pinapalagpas ng mga teleview­ers ang mga nakakatawang hirit ni Lola Char sa kanyang anak na si Strawberry na ginagampanan ni Jo Berry.

Kapag nag-punchline na si Lola Char, hindi puwedeng hindi ka matatawa.

Pero sa tunay na buhay ay hindi katuwa-tuwa ang dinaranas ni La Oropesa.

Bilang isang licensed acupunctur­ist, inamin nito na nakakaramdam siya ng ilang espiritu na gusto siyang kausapin.

Nagkuwento si La Oropesa ng isang paranormal experience niya sa isang pasyente.

“Nagpatingin sa akin isang matandang babae at may kasamang bata na babae rin. Nu’ng sabi ko, ‘Sige po ‘nay mahiga na po kayo,’ may na­rinig na ako, wala pa akong nakikita, may narinig lang ako. Sabi sa akin, ‘Pakisabi naman nandito ako.

“Palakas na nang palakas, ulit na nang ulit. Pagtingin ko, isang mama (lalaki)… ‘Sabihin mo sa kanya na ‘yung panyong nilagay niya sa bulsa ko ilan?

“Tinanong ko yung pasyente, ‘Sino po ba ‘yung patay na nilagyan niyo ng mga panyo sa bulsa?’ Biglang humagulgol ‘yung matandang babae. Sabi ko ‘Naku bakit po?’ ‘Eh kasi ‘yung asawa ko,'” pag-amin daw ng kanyang pasyente.

Pagpatuloy niya: “Humagulgol na rin ‘yung anak, ‘Kasi po ‘yung tatay namin kamamatay pa lang nu’ng isang taon pinabaunan po namin ng maraming panyo.'”

Hindi lang daw ito ang naging expe­rience ni La Oropesa sa paranormal. Lagi raw nitong pinagdarasal ang mga kaluluwa na gustong gamitin siya para may maihatid siyang mensahe sa mga naiwan nilang mahal sa buhay. (RUEL J. MENDOZA)

What do you think?

Written by Tempo Desk

Lagman: Robredo ‘being set up to fail’ with new anti-illegal drug post

Jessy Mendiola, feeling kapamilya na