in

Jessy Mendiola, feeling kapamilya na

JESSY Mendiola (IG)

timing box

 

 

SA TAIWAN nag-cel­ebrate ng kanyang 66th birthday si Con­gresswoman Vilma Santos-Recto noong November 3. Kasama niya ang kanyang pamilya (husband Senator Ralph Recto at mga anak na sina Luis at Ryan Christian).

JESSY Mendiola (IG)
JESSY Mendiola (IG)

Ka-join din si Jessy Mendiola na feeling kapamilya na ng mga Man­zano at Recto.

Momski na ang tawag ni Jessy kay Cong. Vi gaya ng tawag ng anak nitong si Luis Manzano na boyfriend ni Jessy.

Sa mga naunang interbyu kay Cong. Vi, sinabi niyang nakikita ni­yang masaya si Luis sa relasyon nito kay Jessy. Hindi raw ito nakikipag­kumpitensiya at hindi feeling artista kapag nakakasama nila si Jessy sa kanilang family gathering. Simple GF lang si Jessy, ayon sa actress-politician at Star for all Seasons.

 

CONSISTENT

Bidang-bida at parehas mabango ang pangalan nina Mayor Isko Moreno at Angel Locsin. Si Yorme, idinonate ang talent fee niya sa PGH Foundation para sa mga batang may kanser mula sa isang endorsement niya.

Si Angel naman, namahagi ng relief goods sa mga earthquake vic­tims sa Mindanao. Kasama niya ang fiancé niyang si Neil Arce.

ISKO Moreno (Twitter)
ISKO Moreno (Twitter)
ANGEL Locsin (IG)
ANGEL Locsin (IG)

Consistent si Angel sa pagtu­long kapag may kalamidad. Maram­ing beses na niyang ginawa ‘yun at hindi masasabing “for publicity” lang ang pagkakawanggawa ng aktres.

Sana’y tularan sina Mayor Isko at Angel ng ibang kilalang personali­dad at magbigay din sila ng suporta sa mga kaba­bayang nangangailangan ng tulong.

What do you think?

Written by Tempo Desk

La Oropesa ginagamit ng mga espiritu?

Billy Crawford, may sakit?