Null
in

‘Tween Hearts’ cast nagkita-kita muli

BARBIE Forteza with the cast of defunct 'Tween Hearts' series.

 

BARBIE Forteza with the cast of defunct 'Tween Hearts' series.
BARBIE Forteza with the cast of defunct ‘Tween Hearts’ series. (Instagram)

 

MULING nabuo ang cast ng de­funct GMA-7 teen series na “Tween Hearts.”

Ito ay something na nangyayari ev­ery July, which is birth month ng lead star ng show, si Barbie Forteza.

Nagsilbing advance birthday party ni Barbie ang okasyon na naganap noong nakaraang July 7.

Dumating sina Louise delos Reyes, Derrick Monasterio, Kristoffer Mar­tin, Hiro Peralta, at Joyce Ching na kasama ang fiance nito na si Kevin Alimon.

Dumating din sa party si Paul Salas.

Post pa ni Barbie sa Instagram: “Siyempre, magbbirthday na ko so… #TweenHearts”

Kaya raw maaga ang celebration ng birthday ni Barbie ay dahil sa mismong araw ng kanyang birthday ay may iba itong plano. Baka mag-out of the country trip si Barbie since wala pa siyang bagong teleserye pagkatapos ng “Kara Mia.”

Sa July 31 pa ang eksaktong petsa ng birthday ni Barbie at turning 22 na siya.

Naganap sa isang Korean restau­rant ang reunion. Pagkatapos ay naglaro sila sa isang escape room experience.

Hindi kumpleto ang “Tween Hearts” cast dahil hindi nakarating sina Bea Binene, Jake Vargas, Lexi Fernan­dez, Kylie Padilla, Ken Chan at Marlo Mortel.

Bumawi naman si Bea kay Barbie nang magkita sila sa soft open­ing ng coffee shop business nito sa SM Megamall.

Post ni Barbie: “Finally got to visit @beabinene at Mix & Brew Coffee here at Lower Level Food Court SM Megamall A! Nag-sick leave daw barista niya so siya na mismo ang gumawa ng kape ko congratula­tions, Bey! Soooo proud of you! Can’t wait for the Grand Opening!” (RUEL J. MENDOZA)

What do you think?

Written by Tempo Desk

Cool to UNHRC

F2 Logistics (PSL photo)

PSL: F2 eye 8th win in row