in ,

Sa labas pinutok

rica cruz - sexy mind answers

Hi Ms. Rica,

Kapag nilabasan po ako pero hindi ko po pinasok at pinutok sa loob, nakakabuntis po ba yun?

Thank you po,

Sa Labas Pinutok

 

Hello Sa Labas Pinutok,

Madaming nagtatanong ng tanong mo. Sa totoo lang, most of the questions that I get ay patungkol sa kung paano hindi mabubuntis o kung may chance ba mabuntis after magsex!

Now, to answer your question. Kapag nilabasan ka near the vagina ay may maliit na possibility na ikaw ay makabuntis. Lalo na kung super swimmers ang sperm mo! Kaya kasi ng sperm na magswimming from the vaginal canal all the way to the uterus and fallopian tube kung saan pwedeng may naghihintay na egg to fertilize. Kung ganun ang scenario, pwede ngang mabuntis ang babae kahit hindi mo tuluyang ipinasok ang penis sa loob ng vagina! Pero siyempre, it also depends on different factors, katulad ng timing ng ovulation ng babae, sperm health and quality, pati na rin ang health ng babae.

Sa totoo lang, I know a couple of cases na nabuntis kahit na hindi sa loob pinutok. Basta may way for the sperm to get into the vagina, katulad ng: pagputok sa may vaginal canal o pagpasok ng finger na may basang semen sa may vaginal area, o kaya ay pagtutok ng penis sa vagina na may precum, ay kaya nitong makabuntis. Nakakapraning di ba? Hindi lang yun, basta may exchange na bodily fluids na nangyari ay tumataas din ang risk ng pagkakaroon ng sexually transmitted infections or STIs. Shucks.

Kaya para mas makasiguradong hindi ka mapraning sa pag-iisip kung nakabuntis ka ba o hindi, mas maigi kung magpractice kayo ng responsible sex. Ibig sabihin ay gumamit kayo ng contraception na nakakaprotect din sa inyo against STIs. One way to do this is to use condoms every time may sexy time kayo – kahit na hindi mo ito balak ipasok at sa labas mo ipuputok! 😉 Good luck!

With love and lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, follow me on Twitter and Instagram: @_ricacruz and www.facebook.com/TheSexyMind

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

What do you think?

Written by Tempo Desk

PORTLAND, OR - MAY 3: Enes Kanter #00 of the Portland Trail Blazers is introduced against the Denver Nuggets during Game Three of the Western Conference Semifinals of the 2019 NBA Playoffs on May 3, 2019 at the Moda Center Arena in Portland, Oregon. NOTE TO USER: User expressly acknowledges and agrees that, by downloading and or using this photograph, user is consenting to the terms and conditions of the Getty Images License Agreement. Mandatory Copyright Notice: Copyright 2019 NBAE Sam Forencich/NBAE via Getty Images/AFP

NBA: Kanter headed to Celtics

Cesar Montano into the frying pan