Null
in ,

Ang sawsawang masarap

 

alex calleja alex-syon of the Day

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

Ang dami kong napapanuod sa balita na mga motor na sum­isemplang o kaya naaaksidente. Ang masama dito, lahat halos, nakakatakot na aksidente! Lahat duguan o kaya patay. Pero ang nakakapagtaka, ang dami pa ring bumibili ng motor at madami pa ring ang nagmomotor! Bakit ba dumadami ang motor sa Pilipi­nas?

Stanly ng Cainta

 

Hi Stanly,

Mura kasi ang motor at madami pa ngayon tindahan ng mga motor ang nagbibigay ng maliit na downpayment at mahabang hulugan. Saka sakto ang motor dahil sa traffic sa Maynila. Mabilis ang motor sumingit sa traffic. Madalas madaming aksidente dahil maraming ma ‘kamote’ drivers. Kamote drivers ang tawag sa mga nagmomotor na matigas ang ulo at hindi nag-iingat! Lahat naman ng klase ng sasakyan pwede kang maaksidente pero mad­ami lang talaga ang nag-uupload ng mga aksidente ng motor. Pero ang nagtataka lang talaga ako, ang unang nagmomotor sa Pilipinas eh ang mga Indian o ang tinatawag natin na ‘Bumbay’ pero bihira ako makabalita ng aksidente na involved ang Bumbay. Kaya naisip ko na dapat mag-seminar tayo sa mga Bumbay para makaiwas sa aksidente.

*  *  *

Hi Alex,

Paborito ko ang sawsawang patis! Lahat ng ulam gusto ko may patis! Sinigang, nilaga, o kahit pritong isda, gusto ko si­nasawsaw sa patis! Kahit mang­gang hilaw, ayaw ko sa bagoong, gusto ko, patis! Masama bang mag-patis araw-araw?

Zeny ng Tondo

 

Hi Zeny,

Masama ang patis araw-araw kasi maalat ito kaya pwede kang magkasakit sa bato. Delikado sa kalusugan mo. Pero ang delikado pa sa patis eh ang matapunan ka nito. Kapag natapunan ka, mag-aamoy ano ka. Paano ko ba sasabihin ang amoy mo. Ang amoy kasi ng patis eh kasing amoy ng hindi hinuhugasang ano.. Basta alam na mga nakakabasa ang ibig kong sabihin! Lalo na ng mga lalakeng nakaamoy na!

*  *  *

Hi Alex,

Madalas mag-away ang mga aso sa kanto namin. Ano bang ang magandang gawin para matigil sila sa pag-aaway?

Donato ng Sampaloc

 

Hi Donato,

Wag kang makikialam! Buti kung mga tao yan na pwede mong awatin! Ang mga aso kapag nag-away, hindi mo maawat dahil baka ikaw pa ang makagat! Wag kang makialam sa problema nila!

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

What do you think?

Written by Tempo Desk

PACIFIC TOWN ARMY (PVL photo)

PVL: Lady Troopers firm up semis bid, blast Water Defenders

In this June 19, 2019, photo, photo, Tokyo residents Yuuma Sakai, foreground, takes photos of his wife, Hiroyo, with the Olympic rings set up near New National Stadium in Tokyo. Millions were going to be disappointed starting Thursday when applicants in a ticket lottery, for Japan residents, only, began learning if they landed tickets. The same will be true for residents outside Japan who could experience a similar dejection: too much demand and too few tickets. (AP Photo/Jae C. Hong)

Tokyo Olympic tickets: Be prepared to be disappointed