in ,

Andi, may bago na?

ANDI Eigenmann (IG)

 

ANDI Eigenmann (IG)
ANDI Eigenmann (IG)

TOTOO kaya ang tsismis na may bagong boyfriend na itong si Andi Eigenmann?

Although wala pa namang opisyal na pahayag ang hot momma pero obvious ang pagiging close niya kay Philmar Alipayo, ang first-ever winner ng Philippine Surfing Championship Tour (Men’s Division) noong 2017.

Patunay rito ang sweet na birthday message ng aktres para kay Philmar sa Instagram.

“Happy birthday @chepoxz! You are easily, one of my favorite people in the world!

“You have the biggest heart I know, and you never fail to put a smile on everybody’s faces day by day.”

Dagdag pa niya sa salitang Surigaonon, “Lalo na sa ako. Salamat karajaw sa lahat! Malipajun ako na ini kaw sa amo kinabuhi.”

Sinagot naman ito ni Philmar ng “Salamat karajaw, sobra ko sab ka malipajun.”

Oh well, kung totoo mang sila na nga, walang masama. Single mom si Andi at wala namang sabit si Philmar.

Sana siya na nga ang “The One” para sa 28-year-old ‘di ba?

Ang huling naging nobyo ni Andi ay ang modelong si Emilio Arambulo.

Tatay ng anak niyang si Ellie si Jake Ejercito. (Delia Cuaresma)

What do you think?

Written by Tempo Desk

De Castro is new CJ

Caluag settles for bronze