Null
Null
in

Bela nag-sorry kay Kim

Humingi ng paumanhin ang aktres na si Bela Padilla sa kaibigang si Kim Chiu matapos silang lumabas sa “Gandang Gabi Vice.”

Ani Bela, sinigurado niya lang daw na hindi napikon si Kim sa kanya dahil sa biruan nila sa show.

Apparently, may ilang fans na nainis kay Bela dahil sa pagkanta niya ng awiting “Bakit Labis Kitang Mahal,” nang ipinakita ang larawan ni Gerald Anderson sa show.

Masalimuot ang hiwalayang Kim at Gerald at hindi nagustuhan ng ilang fans ang biro ni Bela.

Aminado si Bela na nagulat siya sa reaksyon ng mga fans.

“Kasi hindi naman ako ‘yung nag-joke. Si Vice naman ‘yung nag-joke, pero ako ‘yung napagbuntunan.”

“Pero okay na rin naman,” dagdag niya. “Naiintindihan ko naman. Kasi fans iyan, iba ‘yung bugso ng damdamin nila. Kapag may naiisip sila, nasasaktan talaga. I understand.”

Nilinaw ni Bela na walang pikunan na nangyari sa kanila ni Kim.

Kuwento niya, “The next day, nag-text ako sa kanya noong nakita ko na ‘yung mga comments. Parang nag-text ako sa kanya na, ‘Kim, may nasabi ba ako na na-offend ka or something?’ Sabi niya, ‘Wala.’ ‘Tapos pinagtawanan lang din namin. Sabi ko, ‘Kung meron man, sorry.’”

Paglilinaw ni Bela, “tantiyado” nila ni Kim ang isa’t isa.

“Alam naman namin ‘yung boundaries namin,” ika niya. “Wala kaming problema.”

So there! (Delia Cuaresma)

What do you think?

Written by Rafael Bandayrel

Cabinet members dispatched to Libya

PBA: Ginebra Kings out to dethrone Beermen