in

Jane Oineza, napag-iwanan nga ba?

By Robert R. Requintina

Matagal-tagal na rin sa showbiz si Jane Oineza pero tila napag-iiwanan na ito ng mga kasabayan niya sa industriya.

Nang tanungin kung napipikon ba siya sa mga ganitong comments, sabi ni Jane, “Hindi naman sa naiinis. Lahat tayo may kanya-kanyang path. Siguro ginagawa ko na lang siyang motivation to better myself, to be my own.”

Jane Oineza

Umaasa ang dalaga na sana tigilan na ang mga ganitong usap.

Aniya, “Hindi dapat may ganung comparison kasi we’re all different, we do different projects, and we do different career moves.”

Naging guest ang aktres sa “Tonight With Boy Abunda” kung saan sinabi niya na magbabalik teleserye siya sa “Araw Gabi.”

“Ang tagal ko na rin pong hindi nagte-teleserye. Ito ‘yung pinaka-comeback ko after a while. Ngayon, gusto kong patunayan na what they are saying, ‘yung mga negative things, na hindi tutoo ‘yun. I want to prove them wrong,” ayon kay Jane.

Inamin ni Jane na siya mismo ang nagda-drive papunta sa set ng kanyang teleserye.

Nang tanunging kung bakit, ani Jane: “Una po mahal ang driver. Ang mahal na rin ng toll. At saka mahilig po akong mag-drive.”

Sinabi rin ni Jane na ang kanyang bagong hairstyle na maigsi ay para sa telserye.

“This is really for ‘Araw Gabi.’ Talagang hiningi po nila sa role na talagang magpapagupit ako ng super short hair para bagong Jane naman ‘yung makikita,” ayon sa kanya.

Nang tanungin kung nagdalawang isip ba siya sa pagpapagupit, sabi ni Jane: “Hindi naman po. Project pa rin naman ito, ano man ang role. Para mas challenging, mas exciting, something different na hindi ko pa nagagawa.”

What do you think?

Written by Tempo Online

Kris napatawad na si Bistek

‘Super Team’ for cycling