in

Shaina, nagpapagaling

SHAINA Magdayao

By Delia Cuaresma

Pahinga muna ngayon ang byuti ni Shaina Magdayao makaraan magkaroon ito ng tila problema sa balat.

At dahil baka lubos na mangamba sa kanya ang mga tagasubaybay, mabilis na nag-post ang aktres ng update sa social media ukol sa kanyang kalagayan.

shaina

Ani Shania, hindi muna siya magpapakita sa publiko at naka “home arrest” siya.

Kinuwento niya na mukha raw siyang “binugbog” sa ngayon dahil sa “petechiae,” kung saan nagkakaroon ng rupturing ng capillary blood vessels na nagreresulta sa maliliit na pulang tuldok sa balat.

Nangyari raw ito matapos niyang mag-shoot ng isang “difficult scene”para sa isang proyekto na hindi niya pinangalanan.

“Blood vessels around my face popped/bled after a difficult scene at taping last Friday. Whole face and not just the eye area. This was the first time something like this happened. Para akong binugbog.”

Hindi naman malala ang sakit ni Shaina. Nawawala naman daw ito ng kusa.

Mabuti naman kung gayon at I’m sure maraming kalalakihan ang naghihintay masilayang muli ang magandang dilag.

What do you think?

Written by Tempo Online

Volleyball | Pixabay default

Beach volley in Sta. Ana

Volleyball | Pixabay default

Race for last 2 semis slots heats up