Null
in

Suwerteng sorbetero

By Rowena Agilada

NAKAKATUWA ang itinampok na sorbetero sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” na si Mang Lino. Suwerte nito dahil binigyan siya ni Senator Manny Pacquiao ng house and lot sa isang subdivision sa GenSan. Kumpleto pa sa kagamitan ang bahay.

pacquiao

Nag-ikot kamakailan ang boxer-senator sa GenSan kasama ang kanyang staff. Nadaanan nila si Mang Lino at pinakyaw ni Pacquiao ang tindang sorbetes nito na nagkakahalaga ng P1,000. Bukod du’n, binigyan pa niya ito ng P30,000 nu’ng nalaman niya ang kuwento ng buhay nito.    

Ani Pacman, galing siya sa hirap, kaya nakaka-relate siya sa pinagdaraanan ng mamang sorbetero na nagsisikap sa buhay para maitaguyod ang pamilya.

Malabo na

Malabo nang magkabalikan sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. May kanya-kanya na silang real love partners.

May non-showbiz boyfriend si Joyce na Kevin Alimon ang name. Non-showbiz din ang girlfriend ni Kristoffer na si Alyssa Celine (AC) Banzon. Kamakailan ay grumadweyt ito sa San Beda College. Doon din dating nag-aral si Kristoffer ng entrepreneurship. Hindi lang niya natapos dahil naging busy siya sa kanyang showbiz career.

Four years na together sina Kristoffer at AC. Getting stronger ang kanilang relasyon. 

No time

Nabanggit na naman ni Piolo Pascual si Shaina Magdayao sa isang gathering kamakailan lamang. Anang Kapamilya actor, lumalabas sila noon ni Shaina kapag may time. Pero walang label ‘yun. Huli silang nagkita last March. Dumalo sila sa Berlin Film Festival para sa pelikulang “Ang Panahon ng Halimaw.”

Ani Piolo, wala siya talagang time sa lovelife sa rami ng kanyang ginagawa. Bukod sa pagiging aktor, producer pa si Piolo. Apat na pelikula ang nakatakdang gawin ng Spring Films. Isa na rito ang tungkol sa Marawi na ani Piolo, gusto niyang i-market internationally.

What do you think?

Written by Tempo Online

Tennis | Pixabay default

Lago, Bayking sizzle

Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

SC orders Calida to comment on Sereno’s motion