Null
in

Isa pang pagkakataon, hiling ni Whitney Tyson

By Delia Cuaresma

Gustong makabalik sa showbiz ng dating sikat na komedyanang si Whitney Tyson.

Lumabas ito sa “Rated K” nitong Linggo at aminado siyang hirap siya sa sitwasyon niya mula nang mawalan ng mga pelikula at TV shows.

whitney tyson

Mag-isa lang kasi si Whitney – tunay na pangalan Bonnie Fowler – na nagtatrabaho para sa sarili at sa ina na may katandaan na.

Nakatira sila sa isang resettlement site sa Bulacan.

Kuwento ni Whitney, malungkot doon sa lugar nila kasi kinukutya raw siya ng mga kapitbahay na ang sabi ay “laos” na siya.

“Hindi ko alam kung ano ang nasa mind nila kung bakit nila ako inaalipusta,” kuwento ni Whitney na nangingilid ang luha.

Pero tuloy ang buhay ika nga at sabi ni Whitney, para hindi sila magutom, kung anu-anong raket ang pinapasok niya.

Kuwento niya, “Madalas akong mag-host sa mga fiesta, ganyan…kahit malayo pinupuntahan ko.”

Meron din siyang regular na raket sa isang maliit na videoke bar sa Muntinlupa.

Pero aniya hindi sapat ang kinikita niya.

Pangarap niya ngayon? Ang makabalik sa showbiz.

Sey niya, “Sana tanggapin muli ako ng producers…kahit anong istasyon.”

What do you think?

Written by Tempo Online

Dismiss Dengvaxia raps, Aquino asks DoJ

Philippine President Rodrigo Duterte (AP Photo/Aaron Favila)

Duterte apologizes to Kuwait over ‘harsh language’ in outburst