in

KathNiel, may bagong pelikula

By Rowena Agilada

Kung si Karla Estrada ang masusunod, gusto niyang mag-asawa ang anak niyang si Daniel Padilla kapag 35 or 40 years old na ito. Right age raw ‘yun dahil mature na ang pag-iisip ng isang tao.

katniel

Twenty-three years old lang ngayon si Daniel. Mukhang hindi ito agree sa kanyang mommy dahil aniya, ayaw niyang mag-asawa na masyadong late na. Ayaw niyang maging ama na matanda na siya.

Ang girlfriend niyang si Kathryn Bernardo ay 22 years old. For now, focus muna sila ni Daniel sa kanilang respective careers. May kanya-kanya rin silang business. May resto-bar si Daniel, samantalang may nail salon naman si Kathryn. Apat na ang branches nito.

May gagawing bagong pelikula sina Daniel at Kathryn titled “The Hows of Us” under Star Cinema with Cathy Garcia-Molina at the helm. Sa abroad ang location shoot nito.
 
Paasa lang?
 
Mukhang walang balikang naganap kina Carlo Aquino at Angelica Panganiban. Si JM de Guzman ang nakakasama ni Angelica madalas sa gimikan.

Pakilig lang ba at paasa sa fans ang “drama” nina Carlo at Angelica? Oh, well…

Best thing
 
May unwanted pounds pa si Kylie Padilla. Kailangan pa ng kaunting effort sa pagpapapayat para ma-achieve niya ang dating porma ng katawan bago siya nabuntis at na-nganak kay Alas Joaquin, baby nila ni Aljur Abrenica.

Nagbalik-TV si Kylie via “Lip Sync Battle” at masaya siya dahil siya ang nag-uwi ng LSB champion belt. Nag-ala Beyoncé siya sa kanyang performance. Tinalo niya si Gabbi Garcia na nag-ala Jennifer Lopez naman.

Sa interbyu kay Kylie, sinabi niyang ang pagiging isang ina ang the best thing that ever happened to her. Eight months old na ang kanyang baby, kaya ready na siyang magtrabaho muli.

What do you think?

Written by Tempo Online

PBA: Ravena-less NLEX faces Blackwater

PH chesser wrests solo Asian lead