Null
in

Jane Nicole Minano: School muna bago boys

By ROBERT R. REQUINTINA

Pursigidong tapusin muna ni Jane Nicole Minano, ang magiging pambato ng Pilipinas sa darating na Miss Hannah’s World Tourism beauty pageant, ang pag-aaral bago nya pag-tuunan ang lovelife.

Untitled-41 copy

“Para sa akin, pag-aaral muna ang aasikasuhin ko. Saka na ang boyfriend kapag nakatapos na ako sa pag-aaral at stable na ang work ko,” ayon kay Minano, nang ma-interview sa grand santacruzan sa Bocaue, Bulacan kung saan isa siya sa mga naging sagala.

Ang grand santacruzan ay tinampukan din ng mga kandidata ng Jewel of the World 2018 beauty pageant at mga beauty queens ng Bulacan. Ang nasabing international pageant ay ginawa ni John dela Vega.

Sa katatapos lamang na Mr and Ms Hanna’s World Tourism Philippines pageant, nagwagi si Minano ng P100,000. cash matapos syang mahirang na title holder ng nasabing contest.

Nang tanuning kung ano ang gagawin nya sa cash prize, sabi ni Minano: “Sa tuition po mapupunta ang P100,000.” Inaalay din nya ang kanyang pagkapanalo sa kanyang mga magulang na sila Jun at Mary Jane Minano.

Katatapos lamang ni Minano ng senior high at balak nyang kumuha ng accountancy sa college. Pinag-pipiliian pa rin nya ang school na papasukan nya kung sa University of the East o sa De La Salle University.

Inamin ni Minano na talagang mahiyain sya pero lumakas lamang ang loob nya dahil na rin sa suportang ibinibigay ng kanyang mga loved ones.

Inuudyok na rin sya ng kanyang pamilya at mga kaibigan na sumali rin sa ilan pang kilalang national beauty contest dahil na rin sa laki ng potential nya. Nakatakda na ring mag-training si Minano sa Kagandahang Flores beauty camp sa pamumuno ni Rodgil Flores.

Nang tanunging kung ano ang nagpanalo sa kanya sa pageant, ani Minano: “Goal ko po talagang maging beauty queen.

Dapat siguro pagsasali tayo sa contest, determined at dedicated tayo para ma-achieve natin ang mga pangarap natin.”

What do you think?

Written by Tempo Online

This week’s weather

Villar, Cusi richest in Duterte Cabinet