in

Kasal huwag muna

By Rowena Agilada

Malabong magpakasal si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ngayong taong ito. Ito’y ayon na rin kay Jen mismo na nakausap ng ilang entertainment writers sa taping ng teleseryeng “The Cure.”

jennylyn mercado

Ikakasal na this year ang isang kapatid ni Dennis, at marami ang nagsasabi ito ang dahilan kung kaya’t ayaw pa magpakasal ng da lawa. Diumano, may hatid na malas kapag nagsukob sa taon ang magkapatid. Hindi naman ito pinaniniwalaan ng Kapuso actress.

Ani Jen, wala pa silang planong magpakasal ni Dennis dahil pareho pa silang busy sa kanilang respective careers.

Marami pa siyang gustong gawin sa buhay.

Itinanggi ni Jen na nag-propose si Dennis ng kasal noong nagbakasyon sila sa Balesin. Four days sila roon kasama ang kanilang respective families, kaya inakalang may naganap na wedding proposal o secret wedding.

Doon nag-celebrate si Dennis ng kanyang 37th birthday. Jen turned 32 naman on May 15. Good health ang kanyang birthday wish sa sarili. Siya lang ang kumakayod for her family, kaya bawal sa kanya ang magkasakit. Besides, single mom si Jen. Mag-isa niyang itinataguyod ang anak niyang si Alex Jazz na ang tatay naman ay si Patrick Garcia.

Kahit ano’ng pangu ngulit ng entertainment writers, hindi sinabi ni Jen kung ano’ng birthday gift nila ni Dennis sa isa’t isa. Sa kanilang dalawa na lang daw ‘yun.

Respeto

Respeto daw sa kanyang girlfriend na si Melissa Gohing ang dahilan kaya inun-follow ni Rocco Nacino sa socmed si Sanya Lopez. Binura rin ni Rocco ang mga photos nila ni Sanya.

Ikinagalit ng netizens ang ginawa ni Rocco, kaya binash nila ito pati ang kanyang GF.

In fairness, hindi naman pinaasa nina Rocco at Sanya ang kanilang fans. Never si lang nag-pretend na may “something” sila para suportahan ang kanilang love team. Never nilang inamin na nagliligawan sila.

Paduda

Sa October na ang filing ng candidacy ng mga kakandidato para sa May 2019 elections at magkakaalaman na kung tatakbo nga bang talaga itong si Dingdong Dantes for a public position.

Sa presscon ng isang pelikula, hindi pa rin diretsang masagot ng aktor ang tanong ng mga reporter kung papasukin na niya ang pulitika. Saka na lang daw pag-usapan ‘yun.

Dati, kapag tinatanong si Dingdong, tahasan niyang sinasabing hindi siya kakandidato.

Sa latest na pakikipagtsikahan niya sa press, tipong may paduda effect na si Dingdong. May mga nagsasabing kakandidato siya bilang senador.

Wait and see na lang tayo.

What do you think?

Written by Tempo Online

RONALD Oranza (MB photo | Camille Ante)

Oranza tops Stage 2 of Le Tour

Oil prices up again