Null
Null
in

Aiko, palaban!

By Rowena Agilada

Nanganak na kaya ang live-in girlfriend ni Jomari Yllana? May bulong-bulungan na ukol dito pero tila wala namang pakialam ang ex-wife niyang si Aiko Melendez.

Untitled-41 copy

Si Aiko ay punung-puno rin ng pag-ibig ngayon. Wala siyang pakialam sa mga bashers o haters, basta masaya lamang siya sa pakikipag-relasyon kay Jay Khonghun, Mayor ng Subic.

Panay ang post ng aktres sa socmed ng photos nila ng kanyang boyfriend na tila hindi naman nagustuhan ng iilan.

Pero palaban si Aiko sa mga critics niya. Aniya, walang sinumang makakapigil sa kanilang dalawa na magkasama.

Dagdag pa niya, hindi nila kailangang i-please ang kahit sino.

Baby ang tawag ni Aiko sa kanyang BF.

Pasabog

May pasabog na naman si Sharon Cuneta.

Bagaman, hindi niya pinangalanan , hula ng karamihan ay si Gabby Concepcion ang tinukoy niya sa mga litanya niya nitong huli sa socmed.

Anang megastar, hindi man lamang magpasalamat sa kanya ang taong ‘yun dahil hindi niya ito siniraan at hindi binrainwash para magalit sa kanya ang anak niya at hindi ito respetuhin.

“You refuse to see me and the good I’ve been raised with and raised my daughter with because you gave her NOTHING.

And instead of a “Thank you, Sharon,” this is what I get? I don’t deserve this,” ani sa post ni Sharon.

Aniya pa, alam ng Diyos ang katotohanan. Naghamon pa ng giyera ang Megastar.

Nananatili namang tahimik si Gabby and his camp.

Nilinaw din ni Sharon na maayos ang relasyon nila ni KC. May tsika kasing diumano’y may gap ang mag-ina.

Nawalan

Kambal sana ang ipinagbubuntis ni Heart Evangelista. Nai-post niya ‘yun sa socmed. Pero maliit daw ‘yung isang bata, kaya nawala ito.

Kung nagkataon pala, dalawa agad ang anak nila ni Senator Chiz Escudero. Kung nagkataon din, dalawang set ng twins ang anak ng huli. Kambal ang anak ng senador sa ex-wife niya.

In any case, super excited ang couple sa pagdating ng kanilang first baby.

Bumili na rin si Heart ng baby dresses na puro branded na inorder pa niya abroad. May baby bag na rin siya na Dior ang tatak.

What do you think?

Written by Tempo Online

Volleyball | Pixabay default

Army gains first win

sports default

National team slots up for grabs as PNG opens