Null
in

Rocco enjoys private relationship with athlete

By Ruel J. Mendoza

INAMIN ng Kapuso hunk na si Rocco Nacino na hindi pa sanay ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Melissa Gohing sa mga ginagawa niya sa showbiz.

Untitled-15 copy

Kabilang na rito ang kanyang pag-huhubad sa mga photoshoots tulad sa pag-endorse niya ng Bench Body underwear.

Overwhelmed ang GF ni Rocco noong makita nito ang poster para sa May 18 concert nila nina Derrick Monasterio, Dave Bornea, at Jak Roberto dahil topless silang apat.

Pero gaano pa ka-daring si Rocco, suportado naman daw siya ng kanyang GF.

“I’m sure she’s gonna be there, kaso alam ko may game siya that day so hahabol siya. But the fact that she wants to go means a lot to me. Malaman ko na supportive siya, malaking bagay na para sa akin ‘yun,” diin pa niya.

Kung may something in common sina Rocco at Melissa, ito ay ang love nila ang sports. Isang volleyball player si Melissa samantalang sa martial arts na jiu-jitsu ang hilig ni Rocco.

“Nagtutulungan kami. That’s how we push each other to reach our goals. Nanonood ako ng game niya, siya rin nanonood naman kapag may exhibition kami,” ngiti pa niya.

Mas nag-e-enjoy ang aktor sa pribadong relasyon niya ngayon kumpara sa naging relasyon niya noon sa mga aktres na sina Lovi Poe at Sheena Halili.

“It’s way, way different, sobrang layo po niya, and I really enjoy this one talaga.

“Talagang tini-treasure ko towards quiter. Magkaibang field kaya lagi kaming may pinag-uusapan.

“Lagi kaming may na-e-explore sa trabaho ng isa’t-isa, and mas healthy para sa akin.

“Mas marami ang rumerespeto sa decision ko, sa private life ko.

“Sa totoo lang, wala naman masyadong namba-bash eh, wala masyadong nanggugulo. Mas masaya pa nga sila na masaya ako,” pagtapos pa ni Rocco Nacino.

What do you think?

Written by Tempo Online

Edgar Allan when he’s bad

Burntout!!!