Null
in

Mala J.Lo na concert pangako ni Regine

Regine Tolentino
Regine Tolentino

By LAILA CHIKADORA

Regine Tolentino (photo from Regine Tolentino Instagram)
Regine Tolentino (photo from Regine Tolentino Instagram)
ENJOY na enjoy ang mga naki-Zumba kay Regine Tolentino nitong Sabado sa Labor Union weekend ng San Fernando, La Union!
Lalong uminit ang paligid sa paghataw ni Regine sa kanyang four wardrobe changes na sobrang sexy ang arrive! Ganado din ang nasa kulang-kulang 200 na participants na naki-hataw sa Dance Diva na lisensyadong Zumba instructor din.

Madami pang freebies at libreng masahe mula sa kanyang sponsors na Shaolin Oil liniment.

Di naman natapos sa Dance by the Beach Zumba Fitness Party ang happening sa Aureo La Union. Naki-party pa ang mga tao sa bonggang tugtugan ni DJ Samir Ayeb. Kaya si Regine, hindi pa rin natigil sa pagsasayaw habang nakapila naman ang mga sume-selfie sa kanya. Very energetic pa din kahit pa dalawang oras ang Zumba Fitness Party!

Naikuwento din ng Dance Diva na getting ready na siya para sa kanyang first ever concert entitled “Ignite” na magaganap sa May 26 sa Sky Dome ng SM North. Mga sing-sexy niya ang mga special guest gaya na lang nina Andrea del Rosario, Sheree, Saicy Aguila at Patricia Javier to name a few.

Very hands on din si Regine sa concert pero hindi lang yan ang kanyang pinaghahandaan kundi maging ang kanyang pangangatawan, nire-ready niya. Ano ba Reg, sexy ka na te! Pero say niya nga sa akin, may peg siya para sa concert! “I’m gonna be the sexiest in my entire life, I’m gonna be as fit as possible, gusto ko talagang pasabog! I want to be like my idols, J. Lo, Beyoncé, Lady Gaga, Rihanna, all those rolled into one, ako na ‘yun! Gagawin ko ‘yun dito sa concert na ito so I’m so excited and I promise, gagalingan ko talaga and you will see something out of this world!”

Sigurado namang made-deliver ni Regine ang peg na ‘yun dahil napakagaling niya talaga magsayaw at may boses din na ibubuga ang Dance Diva! Kailan lang ay naglaunch na din siya ng kanyang album at kakantahin niya ang ilan sa mga ito sa concert.

Marahil, marami ang nagtataka kung bakit sa loob ng higit dalawampung taon ni Regine sa showbiz ay ngayon pa lamang siya magco-concert, late bloomer nga kung ituturing, pero kahanga-hanga ang dahilan kung bakit ngayon lang niya naisipan magconcert. “Im sure madaming mga mommies ang makaka-relate diyan na inuna muna nila ang pamilya nila! I just enjoyed life, I married early, I focused on family, but now that the kids are independent I have this opportunity to focus on myself and my passions in life so ito na nga ‘yun, I’ve ignited my passions in life!” say ng Dance Diva.

What do you think?

Written by Tempo Online

Alyssa Valdez (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

Creamline sizzles

SAF deployed to election hotspots