in

Christopher de Leon, nanganib ang buhay

By Rowena Agilada

MAGKASUNOD na araw ang kasal nina Rachelle Ann Go at Billy Crawford sa kanilang respective partners. Ngayong Huwebes ang kasal ni Rachelle sa kanyang American fiancé na si Martin Spies sa Boracay.

19Christopher de Leon copy copy

This Friday naman ang beach wedding nina Billy at Coleen Garcia sa Balesin Island sa Quezon. Dalawa ang wedding reception. Isa para sa kanilang respective families, relatives and close friends na invited sa Balesin wedding.

‘Yung isa’y gaganapin sa Manila para sa friends nilang hindi makakadalo sa mismong wedding day nila.

Pagsubok

Nakalabas na ng hospital at nagpapagaling na sa bahay si Christopher de Leon. Nanganib ang buhay niya at ilang araw siyang na-ICU dahil sa blood infection matapos aksidenteng mabaril siya ni Marvin Agustin sa taping ng “Kambal Karibal.”

Dapat sana’y blank bullet ang gagamitin sa eksenang babarilin ni Marvin si Christopher. Kung may kapabayaan man, wala siyang sinisi sa nangyari dahil aksidente talaga ‘yun.

Hindi naman pinabayaan ng GMA Network si Christopher. From what we heard ay sinagot ang hospital bill ng aktor. Two months magpapahinga si Christopher bago siya makapagtrabaho muli.

Hindi biro ang mga pagsubok na pinagdaanan niya. Nagkaroon ng kidney problem ang wife niyang si Sandy Andolong.

Sumailalim ito sa isang operasyon.

Nagkaroon ng cancer ang isang anak nilang lalaki na naka-base sa USA. ‘Yung youngest daughter nilang si Mica ay na-car accident at inoperahan.

First time

First time magkatambal sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez sa upcoming GMA prime time series na “The Cure.”

Nakakaintriga ang trailer nito na mukhang kapana-panabik ang mga eksena sa kabuuan ng serye.

Parehong “taken” na sina Tom at Jen, kaya malabong isiping magkakadebelopan sila habang magkatrabaho sa “The Cure.”

May Dennis Trillo si Jen, may Carla Abellana si Tom.

Parehong nagsabi sina Dennis at Tom na “the one for them” sina Jen at Carla. Ani Tom, hindi niya ma-imagine na ibang girl ang pakakasalan niya para makasama for the rest of his life.

No one else but Carla ang gusto niya. Anyway, sa April 30 ang pilot telecast ng “The Cure.” Sakit na Monkey Virus Disease (MVD) ang tema nito. Kung ano, saan at paano ‘yun nakukuha, alamin sa pagtutok sa serye.

What do you think?

Written by Tempo Online

Gay H’wood

Kim Chiu may hiling sa kanyang birthday