Null
Null
in

Lola muntik magahasa

By MAR T. SUPNAD

TAGUDIN, Ilocos Sur – Nailigtas ang isang lola sa Brgy. Borono dito matapos siyang tangkaing halayin madaling araw ng Sabado ng isang 21-anyos na lalaki.

Ayon sa pulisya, nahuli nila sa akto ang suspek na si Joel Dolez Gabatin habang pilit nitong tinatanggal ang suot na diaper ng biktimang si Feliciana Ballocanag, 81-anyos.

Ani Brgy. Captain Fredelino Pagaduan una niyang narinig ang ginang na humihingi ng saklolo matapos siyang mapadaan sa bahay nito.

Agad na tinungo ni Pagaduan ang presinto upang humingi ng tulong sa kapulisan na agad din namang umaksyon.

Hindi na nakapalag si Gabatin ng posasan siya ng mga rumespondeng pulis.

Nakuhanan din siya ng isang maliit na sachet ng shabu sa kanyang shorts.

What do you think?

Written by Tempo Online

Aid ready for Boracay workers

BJMP officer survives ambush