Null
Null
in

Liza, may pinandidirihan

By Rowena Agilada

“OO naman,” ang buong ningning with matching close-up smile ang sagot ni Liza Soberano kay Boy Abunda nang tanungin siya nito kung maibibigay ba niya ang birthday wish ni Enrique Gil. “Mahalin mo lang ako at huwag mo akong iiwan” ang sinabi ni Enrique sa “Tonight with Boy Abunda.” He is turning 26 years old on March 30.

Untitled-4 copy

No need ang confirmation mula kina Liza at Enrique sa estado ng kanilang relasyon. Paeklat lang nila ‘yung kuno’y wala pang label. Halata namang may special something na between them. Asawa na nga ang turing ni Enrique kay Liza.

Lucky si Enrique dahil siya ang first ever guy na malapit sa puso ni Liza. Bantay-sarado siya sa love of his life.

Baka maagaw pa ng iba.

Ayon kay Liza, over-protective si Enrique. Noong nagbakasyon sila sa Italy ay may gustong manghingi ng kanyang number. Nakabantay daw si Enrique.

May ibinahagi pa si Liza na ayaw niya sa karton na lalagyan ng itlog. Nandidiri raw siyang hawakan ‘yun. Insecure naman siya sa kanyang malaking hips. Gusto raw niya’y straight ang korte ng katawan niya.

Nang tanungin siya ni Boy kung alam ba niyang maganda siya, “I don’t know,” pa-humble na sabi ni Liza.

Kabog!

Kung naging girl si Martin del Rosario, ang ganda-ganda niya. Sa bagong series niya sa isang cable channel kung saan isang transgender ang role niya, ipinakita ang transformation ni Martin.

Sa lumabas niyang photo sa socmed, long hair siya, fully made-up at naka-swimwear siya. Kinabog niya ang ibang tunay na girls sa ganda niya. Dapat kayang ma-insecure si Paolo Ballesteros?

Anyway, kung gandang-babae si Martin sa bagong series niya, astig at macho naman ang karakter niya sa “Hindi

Ko Kayang Iwan Ka,” afternoon series niya sa GMA. He plays Lawrence, isang babaero na nagkaroon ng HIV (Human Immunodeficiency Virus). Ni-rape niya si Thea (Yasmien Kurdi) at nahawahan niya ito.

‘Maramot’

Next month na ang out-of-town wedding nina Billy Crawford at Coleen Garcia. Ayaw pa rin nilang sabihin ang exact date at venue. Pero may lumabas na balitang sa Balesin Island ‘yun.

Si Ria Atayde na first cousin ni Coleen ang maid of honor at siya rin ang wedding planner. “Maramot” pa rin sina Billy at Coleen sa pagbahagi ng ibang detalye sa nalalapit nilang kasal.

Sina Anne Curtis at Erwan Heussaff ba ang kanilang peg?

What do you think?

Written by Tempo Online

Koko backs proposed Boracay shutdown

Col. Alvarez, Col. Pacquiao