Null
in

Dingdong Dantes, magpu-pulitika na rin?

By Rowena Agilada

MUKHANG papasukin na rin ni Dingdong Dantes ang pulitika. Nag-enrol siya sa Open University ng UP Diliman at mag-aaral siya ng Public Management. Kaya tumindi ang ispekulasyon na gusto na ring maging politician ng GMA Primetime King.

27Dingdong Dantes copy copy

Usap-usapang interesado diumano si Dingdong kumandidato bilang senador. Wala pang kumpirmasyon ang Kapuso actor, kaya abang-abang na lang.

Sa isang interbyu sa wife niyang si Marian Rivera, she said na sakaling pasukin ng husband niya ang pulitika, all-out support siya. Confident si Marian na may kakayahang maging public servant ang asawa niya. Malaki ang puso nito at sincere sa pagtulong sa kapuwa.

Chairman ng Pinoy Yes Foundation si Dingdong at marami na silang nagawang makabuluhang proyekto, lalo na para sa mga kabataan.

No choice

Lungkut-lungkutan ang JakBie fans nina Jak Roberto at Barbie Forteza. Bakit daw kasi pinaghiwalay ng projects ang real-life couple? “Inday Will Always Love You” ang upcoming GMA series ni Barbie na si Derrick Monasterio ang kanyang kapareha.

“Contessa” naman ang kay Jak with Glaiza de Castro. Anang Jakbie fans, sana raw ay si Jak na lang ang ipinareha kay Barbie sa IWALY. Sa Cebu ang taping nito na sana raw, magandang pagkakataon na ‘yun na bukod sa magka-work sina Barbie at Jak, nakakapag-bonding pa more sila. Mas lalo raw ganadong magtrabaho ang dalawa.

No choice sina Barbie at Jak dahil management decision ‘yun. In any case, komportable si Barbie ka-work si Derrick dahil friends sila. Nagkasama sila sa defunct youth-oriented show, “Tweenhearts” at sa ilang GMA shows.

Niligawan noon ni Derrick si Barbie. Nabasted lang siya dahil ayaw pa ni Barbie magka-BF. “Taken” na siya ngayon, kaya malabong makaporma uli si Derrick.

Tampok din sa IWALY sina Tina Paner, Manilyn Reynes, Ricky Davao, Kim Rodriguez at Juancho Trivinio.

US show

Sa USA mag-ho-Holy Week sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Work with pleasure ‘yun, anila. May show sila sa US, kaya pagkatapos nu’n, sasamantalahin na rin nila makapagbakasyon kahit ilang araw lang.

Ngayon pa lang, nagpaplano na ang ilang celebrities ng kanilang Holy Week destinations. Either out of town or out of the country. Abang-abang sa posts nila sa socmed ang pabonggahan nilang destinations.

What do you think?

Written by Tempo Online

Golf | Pixabay

PH Open lures stellar int’l cast

Sailing, Boat Race (Pixabay photo)

Centennial III keeps crown