Null
in

Sino ang maglalagay ng condom?

By Rica Cruz

Hi Ms. Rica,
Tanong ko lang po, kailan po ba maglalagay ng condom sa lalaki? Ako po ba ang maglalagay o siya? I want to know po para ready ako kung may mangyayari man.

Salamat po,

Unknown

Hi Unknown,
Unang-una, maraming salamat at nagiisip ka na gumamit ng proteksyon! That’s very commendable of you.

Madami kasing hindi iniisip ang pag-gamit ng proteksyon kahit na ito ay napaka-importante, lalo na kung ikaw ay sexually active or if you’re planning to be sexually active, katulad mo.

You asked two very good questions! Unahin natin sagutin kung sino ang maglalagay ng condom, ikaw ba o siya?

Well, that’s really up to you. Pwedeng ikaw o pwede siya. May mga tao na mas gusto nilang sila ang nagsusuot ng condom by themselves, mayroon din namang pinapasuot sa iba – kasama ng foreplay.

The best way to know is to ask them! Kasi, kung nag-iisip ka na to be sexually active with your partner, dapat kaya niyo rin pagusapan ang mga ganitong bagay.

This would make both of you feel more relaxed and confident about each other.

Now, dun sa isa mo pang tanong – kailan ba isinusuot ang condom? Madaming klase ng condom, pero, I’m assuming that you’re asking about a male condom dahil ito ang klase ng condom na madaling mabili dito sa atin.

Inilalagay ang condom kapag erect na ang penis at BAGO ang kahit na anong klaseng contact – oral, vaginal, anal, with your partner.

Bakit kailangan bago ang kahit na anong contact? Kasi kapag kayo ay nag-intercourse nang walang condom, ay hindi mo napprotektahan ang inyong mga sarili sa risk na magkaroon ng sexually transmitted infections.

Aside from that, pwede ka pa ring mabuntis kapag nag-intercourse kayo nang walang condom, kahit pa na mag-condom ka before ejaculation. Bakit? Kasi pwede pa ring magkaroon ng sperm ang pre-ejaculate na lumalabas sa lalaki during intercourse.

Kaya, kung gusto mo ng tamang proteksyon, kailangan na isuot ang condom before any kind of contact, even during foreplay.

Kung mayroon ka pang mga tanong tungkol sa condom, sa susunod kong column ay magbibigay ako ng iba pang tips sa paggamit nito. #takeitfromthesexymind

With love and lust,

Rica
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind.

Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Couples and Sex Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

What do you think?

Written by Tempo Online

Gov’t hopes Joanna will get full justice

Aljur Abrenica, namanhikan na kay Kylie Padilla