Null
Null
in

Bakit nawala si Ariella Arida sa ‘Wowowin’?

By ROBERT R. REQUINTINA

MATAGAL-tagal na ring hindi nakikita si Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida bilang co-host sa sikat na daily game show na “Wowowin” sa GMA 7.

23Ariella Arida copy

Marami tuloy ang nagtataka kung ano ang nangyari sa kanya, kung nakabangga rin ba niya si Willie Revillame, host ng game show, or kusa na lang ba siyang umalis dito.

“Let’s see. Hindi natin alam eh. Dumarating talaga sa ganun eh. Pero let’s see. Nami-miss ko na rin ‘yung show,” ayon sa unang sagot ni Arida, sa isang exclusive interview sa press presentation ng 40 candidates ng Bb. Pilipinas 2018 beauty contest na ginanap sa Novotel, Araneta Center sa Cubao, Quezon City nitong Miyerkules, Feb. 21.

Nilinaw din ni Arida na wala silang naging samaan ng loob ni Revillame na nakasama niya sa naturang show sa halos dalawang taon. Pero hindi niya talaga sinabi ang dahilan kung bakit nawala na lang siya sa game show.

“Hindi naman masama ang loob ko. Naiintindihan ko ang lahat ng nangyayari. Malay mo one day, makita n’yo uli ako sa show na ‘yun. Pero sa ngayon, bakasyon muna,” ayon kay Arida. “No hard feelings sa kanila. Sobrang thankful talaga ako.”

Sa ngayon, bago na ang lahat ng co-host ni Revillame sa “Wowowin.” Bukod kay Arida, ang mga kasabayan niya na nawala na rin sa show ay sina Janelle “Kim Chi” Tee, Super Tekla, Donita Nose, Ashley Ortega, Yvette Corral, at Amal Rosaro.

Masaya rin si Arida at successful ang kanyang debut appearance sa movie na “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” kung saan nakasama rin niya ang kapwa beauty queen na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Advice sa Binibinis

Nagbigay din si Arida ng advice sa 40 candidates ng Bb. Pilipinas 2018 na first time humarap sa press.

“Dapat enjoy lang nila. Pag nasa stage sila, do their best. Pag nasa stage, dapat nasa fighting form ka na. And at the same time, alam ng mga tao na you’re having fun,” sabi ni Arida.

Nang sumali si Arida sa Bb. Pilipinas noong 2013, hindi inaasahan ng lahat na siya ang magiging representative ng Pilipinas sa Miss Universe contest.

Lalo pang pinatunayan ni Arida na karapat-dapat siyang maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2013 na ginanap sa Russia nang manalo siyang 3rd runner-up sa prestihiyosong beauty pageant.

What do you think?

Written by Tempo Online

Boxing | Pixabay default

Pinoy boxer out to topple Japanese foe

Kapuso stars, wagi sa 34th Star Awards for Movies