in

2 aktres, parehong bumigay sa isang aktor

By Rowena Agilada

SALAMAT much kina Cristy Fermin at Japs Jersin sa pag-imbita sa amin sa premiere night ng “The Significant Other.”

Also sa Cineko producers at kina mayor Patrick Meneses at mayor Enrico Roque na dumalo sa premiere night.

‘Andu’n ang Fil-French boyfriend ni Lovi Poe. Walang Carla Abellana na kasama si Tom Rodriguez. Nowhere insight din ang rich rumored BF ni Erich Gonzales. Mabuti na lang dahil baka hindi nila makayanan ang maiinit na love scenes/kissing scenes ni Tom with Lovi and Erich. Backless ang beige see-through gown ni Lovi. Backless at plunging neckline naman ang red outfit ni Erich.

Parehong naka-black sina Dina Bonnevie at Snooky Serna. ‘Andun din sa premiere night si direk Joel Lamangan at iba pang naging bahagi ng “The Significant Other.” Graded B ito ng Cinema Evaluation Board (CEB) at R-13 naman ito sa MTRCB. Showing na ito ngayon sa mga sinehan.

Standout

Para sa amin, standout ang performance ni Lovi Poe sa “The Significant Other.” Ang dami niyang shining moments na mahusay niyang naitawid ang mga eksena. Isa siya sa mga mahuhusay na aktres ng kanyang panahon.

Walang kiyeme si Lovi sa intimate scenes nila ni Tom na mag-asawa ang ginagampanan nila sa “The Significant Other.”

Isa siyang ramp model, cosmetic surgeon si Tom.

Hindi nagpakabog si Erich. Bumigay din siya sa sizzling hot scenes nila ni Tom. Ang suwerte naman ng Kapuso actor na bigay-todo rin sa pakikipag-romansahan kina Lovi at Erich. Ramp model din ang huli at third wheel sa relasyon nina Tom at Lovi. Kung selosa si Carla Abellana, huwag na lang niyang panoorin ang pelikula. Ano naman kaya ang reaction ng BF ni Lovi habang pinapanood ang pelikula?

How true naman kaya na diumano, break na si Erich at ang rich boyfriend niya dahil daw sa intimate scenes nila ni Tom?

July wedding

How true kaya na sa July this year ang wedding nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla? Wait na lang tayo sa kanilang formal announcement dahil ayaw ni Aljur na pinapangunahan sila.

Hindi naman nila ililihim ang kanilang kasal kapag naayos na lahat ng preparasyon.

Fake news

Fake news ang secret marriage nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Sa text ni QC mayor Herbert Bautista sa isang malapit na reporter, itinanggi niyang may kinalaman siya.

Nabalita kasing tinulungan ni mayor HB sina JLC at Ellen na maikasal sila sa isang simbahan sa QC. Ayon sa isang source, maraming requirements ang Simbahang Katolika sa mga gustong magpakasal.

What do you think?

Written by Tempo Online

Gov’t allows EDSA anniversary protests

Vargas gets OK to face Peping