Null
in

Barbie and Derrick reteam in new series

By RUEL J. MENDOZA

MULING magsasama sa isang teleserye sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio na may titulo na “Inday Will Always Love You.”

22Barbie and Derrick copy

Matagal ding napahinga si Barbie sa paggawa ng teleserye pagkatapos ng successful run ng “Meant To Be” noong 2017.

Ngayon, ang tinaguriang Kapuso Rom-Com Queen ay may bagong show para sa kanyang mga fans dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Sa teleserye na “Luna Blanca” in 2012 unang nagtambal at nabuo ang tambalan nila ni Derrick na DerBie.

Nasundan ito ng “Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa” at “Anna KareNina” na parehong pinalabas noong 2013.

Huling nagsama ang DerBie ay sa teleserye na “The Half-Sisters” noong 2014.

Sa muling pagsasama nila sa isang teleserye, suportado sila ng isang malaking cast na binubuo nila Ricky Davao, Nova Villa, Super Tekla, Kim Rodriguez, Juancho Trivino, Gladys Reyes at Manilyn Reynes.

Sa Queen City of the South, Cebu City kukunan ang ilang mga nakakatuwang eksena ng “Inday Will Always Love You.”

Sa naturang teleserye gaganap si Barbie bilang si Happylou, isang dalagita na very positive ang outlook sa buhay kahit na napapaligiran na siya ng lungkot, positibo pa rin ang pakiramdam niya.

“Ako rito si Happylou. Wala akong tatay sa show, parang ganun. So, kahit sobrang sobrang sobrang saya ko. Andun pa rin ‘yung parang pagkaanak ko, na sana kumpleto ‘yung family ko,” sey ni Barbie.

Si Derrick naman ay si Patrick na isang seryoso, masungit at walang kulay ang buhay na may-ari ng isang litsunan sa Cebu.

“Ako po rito si Patrick, isa po akong Cebuano, ako po’y nagtatrabaho sa litsunan din. Medyo masungit, medyo stiff, pero abangan natin kung magbabago ‘yung ugali niya ni Happylou,” sey naman ni Derrick.

Bibida rin sina Barbie at Derrick sa pelikula na kinunan pa sa bansang Italy na “Almost A Love Story.”

What do you think?

Written by Tempo Online

Peter’s confession about Jesus

India interested as third telco in PH