in

Singer-actress, great love ng ex-BF?

By Rowena Agilada

JUST wondering, ano kaya’ng feeling ni Senator Kiko Pangilinan sa throwback ng wife niyang si Sharon Cuneta tungkol sa ex-boyfriends nito? Pinangalanan pa ng megastar ang kanyang exes.

17SophieA copy copy

Ni-reveal pa ni Sharon na sa ex-BF’s niya’y letter R ang kanyang great love. Sina Rowell Santiago, Richard Gomez at Robin Padilla ang ex-BF’s ni Sharon na nagsisimula sa letter R ang pangalan.

Si Richard kaya ‘yun, o si Robin? Sa isang post ni Sharon sa social media ay muntik na niyang pakasalan si Robin.

Nadiskubre lang niyang may nabuntis itong ibang babae.

Naging boyfriend din ni Kris Aquino si Robin. Muntik na silang magtanan noon. Nag-backout lang si Kris.

Na-link din noon si Kris kay Richard Gomez. Matatandaang nag-suntukan pa sina Richard at Robin dahil kay Kris. Ay girl, haba ng hair.

Throwback pa. Matatandaang noong bagong pasok pa lang si Kris sa showbiz ay naging bahagi siya ng Sunday variety show ng yumaong German Moreno. May isang episode kung saan hinawakan ni Gabby Concepcion ang kamay ni Kris. Hindi ‘yun nagustuhan ng kanyang mommy, the late president Cory Aquino.

May konek pala kina Sharon at Kris ang mga lalaking naging bahagi ng kanilang mga buhay. Parehas makulay ang kanilang buhay-pag-ibig.

Single pa rin

Sa ex-BF’s ni Sharon, si Rowell Santiago ang single pa rin hanggang ngayon. After Sharon, walang ibang babaeng nabalitang niligawan o naging girlfriend si Rowell.

Nag-focus na lang siya sa work. Si Sharon kaya ang great love ni Rowell? Just asking!

Sila pa rin

Base sa pictures na ipinost ni Sophie Albert sa social media, mukhang nagkabalikan na sila ni Vin Abrenica. Magkasama silang nagbakasyon sa Bali, Indonesia.

Sweet-sweetan sila na halatang may “something” uli sila. May mga nagsasabing hindi naman talaga nag-break sina Vin at Sophie. Diumano, gimmick lang ‘yun para hindi mapag-usapan ang kanilang relasyon noong lumipat si Vin sa ABS-CBN.

Kaya pala noong tanungin namin si Sophie sa isang presscon kung “sila” pa rin ni Vin, hindi siya makasagot. Isang makahulugang ngiti lang ang pinakawalan ni Sophie. ‘Yun na!

What do you think?

Written by Tempo Online

Nat’l Artist Abueva, 88, passes away

Leni assured of place in transition gov’t