Null
in ,

Aktres, nang-agaw, kaya inagawan din?

RICHER by P90-million si Sharon Cuneta. Balitang diumano’y naibenta niya ang isang property niya somewhere sa Tomas Morato, QC.

cargel2 copy

Ano naman kaya ang balita tungkol sa bahay niya sa USA? Naibenta na kaya ‘yun ng megastar? Lumabas noon sa social media na ibinebenta ‘yun ni Sharon.

Debutante

Hands-on si Bianca Umali sa preparations para sa kanyang debut on Mar. 17. Mula sa gown na isusuot niya, kung sinu-sino ang bubuo ng 18 roses, 18 candles at 18 treasures, pati food tasting ay personal niyang inaasikaso.

Ayaw sana ni Bianca ng debut party para sa kanyang 18th birthday. Mag-travel abroad ang gusto niya. Marami ang nagsabi sa kanya na minsan lang mag-debut ang isang babae, kaya napapayag na rin siyang magkaroon ng party.

Ulila nang lubos si Bianca. Namatay ang kanyang parents noong bata pa lang siya. Ang lola niya ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya.

Siyempre, may participation sa debut party ni Bianca si Miguel Tanfelix. Request niya na kantahan siya ni Miguel.

Inagaw?

Look who’s talking? ‘Yan ang reaction ng mga nakabasa sa sinabi ni Angelica Panganiban na pilit lang na sinira ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz. Inagaw lang daw ito sa kanya.

Hindi man siya nagbabanggit ng pangalan, obvious namang ang ex-boyfriend niya ang tinutukoy ni Angelica.

Baka raw nakalimutan na ni Angelica, kaya gusto nilang ipaalala na sa isang TV interview sa kanya noon ay sinabi niyang siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina John Lloyd at Shaina Magdayao.

Matatandaang gumawa ng pelikula abroad sina JLC at Angelica. Pagbalik nila sa Pilipinas, “sila” na.

Sabi ng mga nakausap namin, bumalik lang kay Angelica ang ginawa niya kay Shaina. Umeksena sa relasyon nina JLC at Angelica si Ellen Adarna. May kasabihang, “Huwag mong gawin sa kapuwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.” O, di ba?

‘Kaaliw lang ang mga hugot lines ni Angelica na panay pa rin ang patama niya sa kanyang ex-BF.

Mystery guy

Sino kaya ang mystery guy na nagpadala ng bouquet of flowers kay Angelica Panganiban? Could it be Carlo Aquino?

Sa interbyu kay Angelica, sinabi niyang niyayaya siya ni Carlo na mag-date sila. May tweet naman ang aktor na, “Matalik na kaibigan, maaari ba kitang matalik na pag-ibig.”

Para kay Angelica kaya ‘yun? Matalik na kaibigan ang turing niya kay Carlo. Konek-konek na lang.

What do you think?

Written by Rowena Agilada

Basketball Court | Pixabay

Alab PH battles Saigon

Volleyball | Pixabay default

SSC eyes 5th win