in ,

‘Sino ba naman ang mag-aakala na magiging kami?’ – Ellen Adarna

7ellen instagram

By LAILA CHIKADORA

Pinusuan na ng lagpas 100,000 netizens ang pinost na picture sa Instagram ni Ellen Adarna noong Huwebes. Taken ang larawan sa family home ng sexy actress sa Cebu kasama ang kanyang pamilya at si John Lloyd Cruz. Parehas na malaki ang ngiti ng dalawa. Although, wala pa ding pag amin sa kanyang pagbubuntis, inamin naman ni Ellen na hindi siya makapaniwala sa na sila na nga ni JLC.

Sagot ni Ellen sa kanyang kaibigang make-up artist na nagcomment sa kanyang post… “diba? Hahaha kinsay nagtoo na kami diay lol” o “diba? Sinong mag aakala na magiging kami?” Meron pa kayang pag-amin sa mga susunod na araw? Yan ang aabangan natin, pero maichika ko lang sa inyo, last year, Jan. 17, 2017 bandang alas 4 ng hapon, aksidente kaming nagkita ni JLC at Ellen sa isang sikat na inuman sa Baguio City.

Magkasama sila sa balcony, nakatayong magkatabi habang ine-enjoy ang malamig na simoy ng hangin at ang view. Dahil ilang taon na din kaming di nagkikita, masaya ako nang nakita ko siya (JLC) habang siya naman ay magkahalong gulat, pangamba at saya ang feeling nang nakita niya ako. Tinukso ko pa sila kung ano ang ginagawa nila doon. Sagot niya nagshu-shooting daw ang “Home Sweety” sa Baguio.

Binalik niya ang tanong sa akin. Nung panahon na iyon ay nagshu-shoot naman kami ng mga Miss Universe inspired drinks ng sikat na bar na iyon. Pagkaraan ng ilang sandali, naramdaman ko si JLC na naiilang at tingin ng tingin sa cameraman ko. I assured him na kung ano man ang nakita namin walang makaka-alam, hindi ko sasabihin kahit kanino. Pero dahil ngayon na may pag amin na…. siguro naman JLC puwede na ano? 🙂

WinWyn, aral muna bago kasal, say ng tatay na si Joey Marquez!

Showing pa din ang “Haunted Forest” sa mga sinehan bilang bahagi ng MMFF. Sa ating panayam kay Joey Marquez, isa sa mga bida ng pelikula, naikuwento niya na proud auntie ang kanyang long legged na kapatid na si Melanie Marquez sa pagkakapanalo ni Winwyn sa Reina Hispanoamericana Pageant. Pero mas ikina-proud naman daw ni Joey ang ipinangako sa kanya ng anak nila ni Alma Moreno na magma-masters muna ito at pagkatapos ay PhD.

Sa tanong naman kung ready na ba siyang mapalitan ang apelyido ni Wyn kung sakaling maisipan nitong mag-asawa, of marrying age naman na siya, ang einnung answer ng dating Mayor ng Parañaque, wala daw ‘yun sa edad, “Sa akin kasi ang rule ko, makatapos ng pag-aaral, and then you can do anything you want!”

Natanong din natin si Joey tungkol sa ex na si Kris Aquino sa pag-amin nitong ang paborito niyang ex ay si Mayor Herbert Bautista, being a good sport, natawa na lang si Joey. Pero seryoso naman niyang sinagot ang next question ko sa kanya kung handa ba siyang makipag usap muli sa ex. Say ni Joey, “hindi na tayo bumabata, and I don’t see anything wrong kung mag-uusap lang naman. Mas maganda nga kung open ang communication. Usap lang naman eh.”

What do you think?

Written by Tempo Online

Ginebra’s LA Tenonio celebrates a huge basket in the team’s 85-74 win over the Meralco Bolts last Sunday to go up 3-2 in their Governors’ Cup Finals at the Philippine Arena in Bocaue, Bulacan. (MB photo | Rio Deluvio)

PBA: Ginebra battles GlobalPort

DoH records 9,000 HIV cases in 2017