in

Daiquiri Lass nanilat

Horse | Pixabay

By Johnny Decena

Pinaganda ng longest shot Daiquiri Lass pati na ng dehadong Sta. Fe ang 2nd set ng Winner-Take-All event covering Race 3 to 9 kahapon (Friday) sa pakarera ng Metro Turf.

Nagkaroon lamang ng 16 winning tickets nagbigay pa nang magandang gantimpalang P65,601.80. Ang 2nd set nito kung saan nagtambalan ang Give It All, Tellmamailbelate, Sta. Fe, Count Me In, Bullet Grey, Daiquiri Lass, at Lion’s Gate or combinations 5-4-1-1-1-4-3.

So there… punta na tayo sa pakarera naman ng San Lazaro this weekend kung saan aasintahin naman ng bayang karerista ang Pick-6 carryover amount of P734,957.88.

Diskarteng makunat, like I always say, at ang Pick-6 event ngayon covers Races 3-8 kaya be there before 5 o’clock and good luck!

Lahat ng karera ngayon ay may guaranteed prize of P130,000 to the winner only, sponsored by Manila Jockey Club, Inc.

May 2 sets each tayo ngayon ng WTA at Pick-6 at 1 set each naman ng Pick-5 at Pick-4 event.

Babanggiting ko muli ang malaking event ng P1,500,000 2018 Philracom Commissioner’s Cup ay gaganapin na sa January 14 sa Santa Ana Saddle and Clubs in Naic, Cavite.

Nominadong magsisitakbo rito ay Bite My Dust, Electric Truth, Eugene Onegin, Lakan, Messi, Salt And Pepper at Sepfourteen.

Itatakbo sa makapatid-hiningang distansyang 1,700 Meters, ang magwawagi rito ay tatangap ng P900,000 at P337,500, P187,500 at P75,000 naman for the second thru the fourth placers, respectively.

See you guys at Samson’s Billiard or/at Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB in Marick, Cainta…Good Luck!!

What do you think?

Written by Tempo Online

Chot Reyes

Size matters for Gilas coach

Negros solon presses clean-up of Judiciary