Null
Null
in

Will Jasmine be Alden’s new leading lady?

Jasmine Curtis-Smith (Instagram)
Jasmine Curtis-Smith (Instagram)

By Ruel J. Mendoza

Jasmine Curtis-Smith (Instagram)
Jasmine Curtis-Smith (Instagram)
Goodbye Maine Mendoza na nga ba talaga for Pambansang Bae Alden Richards?

Malakas ang usap-usapan na ang Metro Manila Film Festival best supporting actress (for Siargao) na si Jasmine Curtis-Smith na raw ang napipintong magiging leading lady ni Pambansang Bae Alden Richards sa gagawin nitong bagong teleserye sa GMA-7 na Philippine version ng hit Koreanovela na Descendants of the Sun.

Wala naman kinumpirma si Alden noong nagpa-thanksgiving party ito para sa entertainment press noong nakaraang December 28, 2017.

Ayon sa Kapuso leading man, hintayin na lang daw ang mga magaganap sa kanyang career sa 2018. Bukod sa bagong teleserye, may mga pelikulang gagawin si Alden.

Lumabas noon ang balitang naghahanap ang GMA-7 ng bagong ipapareha kay Alden dahil imposible na raw na mag-work pa ang tambalan nila ni Maine Mendoza.

Nagsama sa teleserye na “Destined To Be Yours” ang AlDub loveteam at less than expected ang naging resulta nito sa ratings.

Ngayon at si Jasmine na ang itatambal kay Alden, sunud-sunod na raw ang natatanggap na bashing ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis mula sa mga diehard AlDub fans.

Nakasama na ni Jasmine sina Alden at Maine sa unang pinagbidahan nilang pelikula na Imagine You & Me noong 2016.

Si Jasmine ang gumanap na ex-girlfriend ni Alden sa movie na biglang nawala dahil nagtago ito sa Italy dahil sa sakit nitong leukemia.

Si Maine ang gumanap na yaya ng aso ni Jasmine na nagkataon ay nakilala si Alden.

Mukhang handa naman si Jasmine sa mga bashing kung sakaling matuloy na ang tambalan nila ni Alden sa GMA-7.

Nakatikim na si Jasmine ng bashing noon mula sa AlDub fans noong nagkaroon ng press conference ang Imagine You & Me. Pero dedma lang si Jasmine sa mga patutsada ng mga fans na ito.

What do you think?

Written by Tempo Online

PBA: Slaughter only answer to Fajardo

Solon pushes for paternity leave extension