Null
Null
in

Gladys at Christopher, may renewal of vows

Erich Gonzales (Instagram)
Erich Gonzales (Instagram)

by Rowena Agilada

Erich Gonzales (Instagram)
Erich Gonzales (Instagram)
MUKHANG maganda ang pasok ng 2018 kay Erich Gonzales. May gagawin siyang teleserye sa ABS-CBN na balik-tambalan nila ni Enchong Dee. Tatlong karakters ang gagampanan ni Erich.

Mukhang masaya na rin ang lovelife ng Kapamilya actress. Balitang isang non-showbiz rich guy ang inspirasyon ni Erich at source ng kanyang happiness.

Ang ganda ng aura niya ngayon. Blooming ang kanyang beauty at seksing-seksi sa mga recent photos niya. Tumataginting na naman ang mga halakhak ni Erich.

Renewal of vows
Magkakaroon ng renewal of vows this year sina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Twenty-five years na sila together, kasama na roon ang boyfriend-girlfriend relationship nila.

Fifteen years old si Gladys, 13 naman si Christopher noong naging magkarelasyon sila. First love nila ang isa’t isa at wala silang naging ibang boyfriend at girlfriend.

Sa sobrang pagmamahal ni Christopher kay Gladys, nagpa-convert pa siya sa Iglesia ni Cristo.

Tatlo (o apat ba?) ang anak nila na habang tumatagal ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay mas lalo itong tumitibay at tumatatag. Kumbaga, subok na matibay, subok na matatag.

Sinulot daw?
Sobrang thankful si Ruru Madrid na sa kanya ipinagkatiwala ng GMA7 ang project na “Sherlock, Jr.” Isa ito sa mga bagong Kapuso shows na ipapalabas sa first quarter ng 2018.

Big project ito kung saan balik-tambalan sina Ruru at Gabbi Garcia. Kamakailan ay nagpunta sila sa Palawan kung saan nakapag-bonding sila. Nag-heart-to-heart talk sila. May mga bagay-bagay silang pinag-usapan at nilinaw na may kinalaman sa kanilang career at personal na buhay.

Gusto nila na sa kanilang pagtatrabaho muli ay maging maayos ang lahat. Tampok din sa “Sherlock, Jr.” sina Ai-Ai delas Alas, Andre Paras, Matt Evans, Kate Valdez, Sharmaine Arnaiz, atbpa. May special role si Janine Gutierrez.

Originally meant for Alden Richards ang “Sherlock, Jr.” For whatever reason, hindi ito natuloy gawin ng Pambansang Bae. Sobrang excited naman si Ruru nang ipagkatiwala sa kanya ang role.

Aniya, natuwa pa si Alden na sa kanya (Ruru) napunta ang project. May mga nang-intriga na kesyo sinulot ito ni Ruru. Paglilinaw ng young actor, malinis ang kunsiyensiya niya. Hindi niya gawain ang manulot ng project ng ibang co-actors niya. So, there!

What do you think?

Written by Tempo Online

Solon pushes for paternity leave extension

2 teens die, 1 missing in separate drowning incidents