in

Alden awaits Maine’s return, thanks 2017, a great year

Alden Richards
Alden Richards

By Glen P. Sibonga

Alden Richards
Alden Richards
Naghandog ng isang thanksgiving party si Alden Richards para sa mga entertainment press noong December 28 sa pag-aari niyang restaurant na Concha’s Garden sa Sct. Madrinan, Tomas Morato, Quezon City. Bukod sa pasasalamat sa tulong ng press, nagkaroon din ng pagkakataon si Alden sa party para magkuwento tungkol sa recent Japan vacation niya kasama ang pamilya niya.

“Nine days po kami sa Japan. First time po kasi iyon e, first out of the country na bakasyon ng family. So, nag-enjoy po lahat, kakauwi lang po namin. Marami po kaming napuntahan, sa Fukuoka, nag-trip po kami around Tokyo. I’m very happy na na-relax po yung lola ko. Yung lola ko po kasi yung priority ko kasi matanda na,” sabi ni Alden.

Inilarawan niya rin ang kanyang 2017. “2017 sobrang okay pa rin po yung year kasi ang dami pa rin pong dumating na blessings. At saka ito pong restaurant ko na for next year po ay available na for franchising, so palalakihin na po talaga namin siya. And then yung endorsements po still very good, marami pa rin pong nag-renew for this year and next year. So, maganda po ang pasok ng 2018.”

Ano ang mga aabangan sa kanya sa 2018? “When it comes to projects naman po, magpapa-press conference po kami kung meron na pong update pero so far everything is still in the planning po. Even the movie wala pang final word, so we’ll just wait for it. Tapos may mga international shows, this coming January 20 po yung show po sa Sydney, Australia. Tapos meron pong GMA Pinoy TV shows sa New Jersey and Toronto. Sa New Year Countdown po ng GMA nandoon po ako, every year po ginagawa ko iyan for the past seven years. Tapos sa Eat Bulaga may birthday special po ako doon this coming January. Birthday wish? Yun po yung sinulat ko sa Instagram stories ko, so peace, continue being healthy, at saka stability. Simple lang naman po e, wala naman po akong masyadong hinahanap kasi I’m very contented na po. And then Sunday Pinasaya, ginagawa ko pa rin po iyan and very happy kami sa ratings and hindi pa rin po kami natatalo.”

Nagsalita rin si Alden tungkol sa ka-loveteam niyang si Maine Mendoza, na naging sentro ng kontrobersiya kamakailan dahil sa open letter nito sa kanyang fans, kung saan inihayag niyang magkaibigan lang sila ni Alden. “Nag-usap po kami bago siya umalis. Now she’s spending time with her family sa abroad. We just need a break apart from everything po. So, hintayin na lang po natin ang kanyang pagbabalik.”

What do you think?

Written by Tempo Online

President’s cabinet sets rating record

Chris Gavina (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

Gavina quits as Kia coach