Null
in , , ,

Megan, natatakot kay Mikael

DREAM come true sa real-life sweethearts na sina Mikael Daez at Megan Young na magkatrabaho sila sa upcoming GMA series, “The Stepdaughters” kung saan kasama si Katrina Halili.

28megan n katrina copy

Nag-taping na sina Megan at Katrina na tarayan agad ang kanilang eksena. First time nila magkatrabaho, gayun din si Mikael.

Ani Megan, hindi siya kinakabahang katrabaho si Katrina dahil off-camera ay sweet at mabait ito. Natatakot siya ka-eksena si Mikael. Mabiro at alaskador daw kasi ang kanyang BF.

Challenge kina Mikael at Megan ang pagtatrabaho nila sa isa’t-isa. Dati kasi, may rule sila na bawal dumalaw sa set ng kanilang respective TV shows. Ngayon ay mararanasan na nila magkita sa set. Makikita na nila paano magtrabaho sa isang work place.

Tampok din sa “The Stepdaughters” sina Gary Estrada, Glydel Mercado, Sef Cadayona at Samantha Lopez.

New shows

Bukod sa “The Stepdaughters,” may iba pang bagong shows ang GMA sa first quarter ng 2018. Kabilang dito ang “The One That Got Away,” tampok sina Dennis Trillo, Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins.

Kasama rin sina Ivan Dorschener, Migo Adecer, Jason Abalos, Bembol Roco, Snooky Serna, Luz Valdez, Ayra Mariano, Ashley Rivera, Jason Francisco, Sophie Albert, Ervic Vijandre, Nar Cabico. Sa direksiyon nina Maryo J. delos Reyes at Mark dela Cruz.

Pangungunahan naman nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia ang “Sherlock, Jr.” Tampok din sina Ai-Ai delas Alas, Andre Paras, Rochelle Barrameda, Roi Vinzon, Matt Evans, Sharmaine Arnaiz, Yanna Asistio, Sophie Pablo. May special participation si Janine Gutierrez.

Tampok naman sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” sina Yasmien Kurdi, Mike Tan, Martin del Rosario, Jackie Rice, Gina Alajar.

Bibida naman si Glaiza de Castro sa “Contessa” kasama sina Jak Roberto, Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, atbpa.

Di pwede

Dumating bago mag-Pasko mula Italy sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio. Nag-shoot sila roon ng “Almost A Love Story” na ani Barbie, isang magandang experience sa kanila.

Sa probinsiya sila nag-shoot at tahimik ang lugar. Nag-bonding moments din sila ni Derrick. Komportable na sila sa isa’t-isa dahil nagkatrabaho na sila sa “Tweenhearts.”

Sa isang interbyu kay Derrick, inamin niyang niligawan niya noon si Barbie. Hindi lang siya nag-pursue dahil may ibang ka-love team noon si Barbie.

Kahit kina-claim ni Derrick na single siya ngayon, hindi naman niya pwedeng ligawan si Barbie. May Jak Roberto na ito.

What do you think?

Written by Rowena Agilada

Faeldon gets Office of Civil Defense post

PBA: Ravena honored