in , , ,

Aktor, iniwan ang ina

PAREHAS may pinagdaanan sina Jericho Rosales at Erich Gonzales noong gawin nila ang “Siargao,” entry sa MMFF. Namatay ang daddy ni Jericho na hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na wala na ito. Miss na miss na niya ang kanyang daddy.

Untitled-3 copy

Nag-break naman sina Erich at Daniel Matsunaga. In a way, nakatulong kina Jericho at Erich ang pagiging abala nila sa shoot ng “Siargao” and somehow, naibsan ang kanilang kalungkutan.

A month or so nanatili sila sa Siargao at gandang-ganda sila sa mga lugar na pinag-syutingan nila. Stress-free raw.

Hindi na-link sa isa’t-isa sina Jericho at Erich. Taken na kasi si Jericho at happily married kay Kim Jones.

Unexpectedly, kay direk Paul Soriano na happily married kay Toni Gonzaga natsismis si Erich. Walang naniwala sa ka-cheapang isyu. Nagamit pa si Toni na kuno’y pinagselosan si Erich.

Balitang may non-showbiz guy na nagpapasaya ngayon ng puso ni Erich. Ang ex-boyfriend niyang si Daniel Matsunaga ay isang model mula sa Poland ang love of his life ngayon.

Parehong may MMFF entries sina Erich at Daniel. Kasama ang huli sa “Meant to Beh” tampok sina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

Humiwalay na

Tahimik lang si Karla Estrada sa kanyang lovelife para walang intriga. Inamin niya sa “Tonight with Boy Abunda” na may boyfriend siya at Mark ang pangalan.

Tanggap ito ng mga anak niya at tito Mark ang tawag nila. Nangangarap pa ring magpakasal si Karla na aniya, never pa siyang ikinasal.

Apat ang anak ni Karla with different fathers, pero no regrets siya dahil para sa kanya, blessings ang mga ito.

Si Daniel Padilla na panganay niya at anak kay Rommel Padilla ay humiwalay na sa kanya ng tirahan. Tapos na ang bahay na ipinagawa ni Daniel sa nabili niyang lote katabi ng ipinagawa niyang bahay for Karla.

Kakaririn na

Nakuha na ni Miguel Tanfelix ang SUV na napanalunan niya sa “All-Star Videoke.” Aniya, dream car niya talaga ‘yun, kaya sobrang happy siya. May cash prize pa siya.

Naisakay na kaya ni Miguel si Bianca Umali? Turning 18 na next year ang dalaga na ani Miguel, kakaririn na niya ang panliligaw. Kailangan pa ba? Eh, sabi ni Bianca, si Miguel lang ang gusto niyang i-entertain na manliligaw. ‘Yun na!

What do you think?

Written by Tempo Online

PH travel hubs, terminals lack clean CRs

Golf | Pixabay

Team SEA, PH gear up for Pradera