in

Sunshine to spend Christmas in US with kids, ex-husband

Sunshine Dizon (Instagram)
Sunshine Dizon (Instagram)

By Glen P. Sibonga

Sunshine Dizon (Instagram)
Sunshine Dizon (Instagram)
Magandang Christmas gift daw para sa PPL Entertainment artist na si Sunshine Dizon na nagiging maayos na ang samahan nila ng ex-husband niyang si Timothy Tan para sa kanilang mga anak. Hindi man daw sila nagkabalikan bilang mag-asawa, kahit paano ay magkaibigan sila. Kaya nga nakakalabas na ulit sila na parang buong pamilya. Sa ngayon, okay na raw muna kay Sunshine ang ganitong setup.

Makakasama nga nila ng kanyang mga anak si Timothy sa kanilang Christmas vacation sa Amerika. “To be honest, we’re all leaving for the States, and si Tim ay kasama po. We’re leaving on the 21st, sa January 1 ang balik namin. I’m very happy naman that my dad knows of our situation na hindi kami nagkabalikan ni Timo pero magkaibigan kami for the children.”

Sinubukan na ba ni Tim na mag-I love you ulit sa kanya? “Naku, wala na, at saka hindi ko na kinekeri. Sinabi naman niya iyon, pag kunwari tinatanong siya ng mga bata, ‘Daddy, do you still love Mama?’ ‘Of course, I still love Mama.’ May ganun naman. Pero dedma na lang ako. Siyempre lahat sasabihin, pero huwag kang masyadong naniniwala, di ba?” biro niya.

Paano kung sa bakasyon nila sa U.S. ay magkaroon sila ng lambing moments ni Tim, posible kayang doon maganap ang balikan nila? “Honestly, hindi pa siguro. Gusto ko kasi kung magkakabalikan kami ni Timo, wala na akong grudges. Kasi nandun pa rin ako sa point na pag may ginawa siyang something, pipitik ako e. So, wala pa ako doon. Sabi nga ng friend ko, matagal daw talaga ang healing process.”

Samantala, happy si Sunshine sa kanyang career lalo na’t umabot na ng isang taon ang pinagbibidahan niyang teleseryeng Ika-6 Na Utos. Dagdag kasiyahan pa ang mga parangal na nakuha niya sa pagganap niya sa serye. Noong Nobyembre ay hinirang siyang Most Outstanding Filipino Actress in Television sa 2017 Gawad Amerika Awards. Nakatanggap ulit siya ng award nitong Disyembre lang bilang Best Actress sa 7th OFW Gawad Parangal.

What do you think?

Written by Tempo Online

Police chief dies in crash

Pauline del Rosario

Del Rosario targets No. 5 as LPGT So. Forbes starts