Null
in , , ,

Andrea, gusto nang magka-boyfriend

MAG-GE-GUEST si Gil Cuerva sa “Super Ma’am.” Ini-announce niya ito sa Christmas Party ng GMA for the Press. Aniya, excited na siyang makatrabaho si Marian Rivera. Hindi lang niya sinabi kung ano’ng role niya. Kung kalaban ba siya o kakampi ni Super Ma’am.

14andrea instagram copy

Unang teleserye ni Gil sa GMA ang “My Love From The Star” with Jennylyn Mercado.

Wish

Parehong may asawa na sina Rochelle Pangilinan at Max Collins, mga BFF ni Andrea Torres. August this year ikinasal si Rochelle kay Arthur Solinap. Dec. 11 naman ikinasal si Max kay Pancho Magno.

Hindi kaya nakakaramdam ng inggit si Andrea na siya na lang ang single sa kanilang tatlong magkakaibigan? Wish niya na magka-boyfriend na sa 2018. Handa na raw siya magmahal muli.

Si Sef Cadayona ang huling boyfriend ni Andrea na never naman niyang inamin.

Samantala, excited si Andrea na kasama siya sa “Meant To Beh,” entry sa Metro Manila Film Festival starring Vic Sotto and Dawn Zulueta. Aniya, ang ganda ng working experience niya with them. Noong una’y nahihiya pa siya sa dalawa. Eh, pareho palang makuwento ang mga ito during break time. Updated din ang mga ito sa mga TV series. “Mahilig magpakain si Vic, kaya parati kaming busog,” ani Andrea.

‘Addict’

Mahilig talaga mag-workout si Rocco Nacino. Kahit gaano siya ka-busy sa kanyang work, may oras siya sa pagpapaganda ng katawan. Kinakarir niya para maging physically fit.

Agaw-atensiyon ang “Haplos” star noong rumampa siya sa underwear fashion show ng isang clothing line na halos kita na ang kanyang puwet.

Dahil sa pagiging “addict” ni Rocco sa pagwo-workout, may workout equipments siya sa kanyang customized car. Kapag breaktime sa set ng “Haplos,” nagwo-workout si Rocco.

Kung gusto niyang magpahinga o matulog, may kama sa kanyang sasakyan. Meron ding TV kung gusto niyang manood.

Mall shows

Ang sipag mag-mall show ng cast ng “Haunted Forest,” MMFF entry ng Regal Entertainment. Mga bida rito sina Jane Oineza, Maris Racal, Jon Lucas at Jameson Blake.

First time nila na may festival movie at excited silang mag-join sa Parade of Stars na gaganapin on Dec. 23. Wish nilang mapasama sa Top 3 na box-office ang “Haunted Forest” na nag-iisang horror movie sa MMFF entries.

What do you think?

Written by Rowena Agilada

EAC's Sidney Onwubere drives against Letran's Bong Quinto (MB photo | Rio Leonelle Deuvio)

Letran starts buildup by joining D-League

A screenshot of the warning screen from a purported ransomware attack, as captured by a computer user in Taiwan, is seen on laptop in Beijing, Saturday, May 13, 2017. Dozens of countries were hit with a huge cyberextortion attack Friday that locked up computers and held users' files for ransom at a multitude of hospitals, companies and government agencies. (AP Photo/Mark Schiefelbein)

Fortinet Survey Reveals 48-percent of APAC IT Decision Makers are confident of their Cybersecurity Postures