Null
in , , ,

Andre, Heaven enter showbiz

By GLEN P. SIBONGA

PINASOK na rin nina Andre Yllana at Heaven Peralejo ang showbiz katulad ng kanilang mga kapamilya at kamag-anak na pawang mga sikat na artista. Si Andre ay anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana. Si Heaven naman ay pamangkin ni Rica Peralejo, na ninang din niya.

24Andre Yllana & Heaven Peralejo copy

Hindi nga maikakailang dugong showbiz ang nananalaytay sa kanilang mga ugat. Lalo na nga’t pareho nilang inamin na mga bata pa lang sila ay ginusto na rin nilang maging artista. Mas na-realize pa nila ang kanilang passion sa acting ngayong malaki na sila. Very supportive naman daw sa kanila ang mga kaanak nilang celebrities. Ngayon ay plano naman nilang gumawa ng sarili nilang pangalan sa industriya.

Pero may pressure ba sa kanila na pantayan man lang ang kasikatan ng kanilang kapamilya? “Ang laki po talaga ng pressure sa akin. Si Mommy hindi lang po siya aktres, mahusay po talagang aktres e. Kakapanalo lang niya sa Star Awards for TV. And of course, magaling din si Daddy. So, ang laking kaba din po. Lagi ko lang tinatandaan ‘yung mga payo nila sa akin,” sabi ni Andre.

Ayon naman kay Heaven, “For me naman po, iba naman po ‘yung path namin ni Ninang Rica. Siya po kasi bata pa po siya noong nagsimula. Wala naman po akong nararamdamang pressure siguro nga dahil magkaiba kami ng path at saka very supportive po siya sa akin.”

Thankful lang sina Andre at Heaven na sunud-sunod ang blessings at opportunities na dumarating sa kanila lalo na sa ABS-CBN. Kasama rin sa ipinagpapasalamat nila ang pagiging bagong brand ambassadors nila ng BNY. Dagdag sila sa dumaraming celebrity endorsers ng BNY na kinabibilangan din nina Joshua Garcia, Barbie Forteza, Michelle Vito, at Markus Paterson.

What do you think?

Written by Tempo Online

Andray Blatche

Gilas vs Japan in Tokyo

Pagpapaligaya gamit ang kamay