in

Babae, nasaktan ng mabundol ng humaharurot na sasakyan

By: Analou De Vera

Isang babae na tumatawid sa kahabaan ng isang kalsada sa Sta. Cruz, Maynila ang nasakatan matapos mabundol ng isang sasakyan Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Dianne Viesca, 27 anyos na agad na itinakbo sa Metropolitan Hospital. Base sa isang closed-circuit television (CCTV) footage sa Barangay 334 Zone 33, nakita si Viesca na tumatawid malapit sa isang pedestrian lane sa Rizal Avenue nang mabangga ito ng isang black Hyundai car na may plate number ACX 9689 na minamaneho naman ng isang Jeremy Ayat, 41 anyos.

Sa lakas ng pagkakabangga kay Viesca ay nabasag ang windshield ng sasakyan na bumangga sa kaniya. Aminado si Ayat na naka-inom siya matapos manggaling sa isang birthday party.

Siya ngayon ay nasa kustodiya ng Manila Traffic Bureau.

What do you think?

Written by Tempo Online

Part of Parola compound set to be auctioned off

14 Aegis frat members, pinasisipot sa Senado