Null
in , , ,

Heart is slowly getting herself ready for motherhood

HEART Evangelista

By RUEL J. MENDOZA

MASAYANG kinukuwento ng bida ng GMA-7 teleserye na “My Korean Jagiya” na si Heart Evangelista-Escudero na napupuno na raw ng mga baby things ang pinagawa niyang nursery sa bahay nila ng mister niyang si Senator Chiz Escudero.

Every time na may travel si Heart, bumibili raw siya ng mga gamit ng baby tulad ng mga damit, laruan at mga blankets.

5Heart Evangelista copy copy

Ang wala pa raw siya ay ang baby crib at changing table.

“Napupuno na ‘yung room ng mga baby things. Paunti-unti akong bumibili.

“Every now and then, when I travel, kapag may nagustuhan ako na gamit ng baby, I buy it and I keep it sa baby room.

“It’s a sign na I am ready to have a baby. Kaya nire-ready ko na ang sarili ko,” ngiti pa niya.

Isang baby lang daw ang gusto nila Heart at ng mister niyang si Chiz.

May magandang rason si Heart kung bakit one child lang ang gusto nila.

“Parang gusto naming ibuhos lahat ng love namin sa magiging baby namin ni Chiz.

“I feel na kapag isa lang ang anak ninyo, you can attend to all his or her needs habang lumalaki siya.

“Si Chiz kasi, he has two kids na and I love both of them dearly. Kapag dumating pa ang baby namin, magiging tatlo na sila.

“It’s already a handful, pero adjusted na ako sa mga anak ni Chiz. I learn every day from them on how to be a mom,” diin niya.

Inamin ng bida ng teleserye na “My Korean Jagiya” na never pa raw niyang na-meet or nakausap ang ina ng dalawang anak ni Chiz.

“I guess it’s better this way na wala akong masyadong alam sa kanya.

“Kasi it’s part of my husband’s past and to know more information about her is something na mahirap gawin.

“Even his kids, never nilang na-bring up ang tungkol sa mother nila sa akin.

“Hindi ko naman sila pinagbabawalan about it kasi they are free to talk about her in my presence.

“Pero siguro, alam din ng dalawang bata na para sa kanila na lang ‘yung mommy nila. And they respect me in that way,” pagtapos pa ni Heart Evangelista-Escudero.

What do you think?

Written by Tempo Online

PBA: Star’s Paul Lee out of semis series

Phoenix head coach Ariel Vanguardia (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

PBA: Vanguardia stays with Fuel Masters