in , , ,

Gary V. ayaw patawag na lolo

30gary1 copy copy

Wala pa ring kupas si Gary Valenciano sa pagkanta at paghataw sa pagsayaw. At 50 something at certified lolo, full of energy pa rin si Gary. Swak pa rin sa kanya ang title na Mr. Pure Energy kahit 34 years na siya sa showbiz.

Sa Thanksgiving Party ni Gary sa entertainment press, throwback songs ang ipinarinig niya, tulad ng “Hataw Na,” “Di Bale Na Lang” at iba pang danceable tunes. Nakisayaw sa kanya ang ilang press na mula’t sapul ng kanyang showbiz career ay nakasuporta sa kanya hanggang ngayon.

Lolo Groovy si Gary. Pappy ang gusto niyang itawag sa kanya ng apo niya. Baby girl ito na anak ng panganay nila ni Angeli Pangilinan na si Paolo. ‘Andun ang mag-ina sa Thanksgiving Party, minus Gab and Kiana, the other two children of Gary and Angeli.

Ipinakilala ni Gary sa press ang alumni ng “The Voice of the Philippines” na sina Janice Javier, RJ dela Fuente at Tim Pavino, Allan Silong ang all-male vocal group na Daddy’s Home, Suklay Diva at online sensation, Katrina Velarde mula sa “The X-Factor Philippines,” classical-pop singer, Lara Maigue ng Philpop, theater actress at dating bida sa Miss Saigon sa London, Carla Guevarra-Laforteza.

Bawat isa sa kanila’y nagparinig ng awitin na talaga namang kahanga-hanga ang kanilang galing. Guest performers sila sa season finale ng “Gary V. Presents…” na gaganapin on May 12, 13, 19 at 20 sa The Theater at Solaire (8 pm).

Kaugnay ito sa 34th anniversary celebration ni Gary sa showbiz.

Other performers are Mitoy Yonting, theater actor at R& B singer Jimmy Marquez, indie artist Bullet Dumas, Kiana Valenciano, Jason and Joshua Zamora ng The Manoeuvres at Adlib dancers. Stage director si Paolo Valenciano.

Parangal

Sina Alden Richards at Maine Mendoza ang tinanghal na Prince and Princess of Philippine Movies. Ang parangal ay mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation kaugnay sa gaganaping 48th Box-Office Entertainment Awards.

Dahil sa tagumpay ng first movie together nina Alden at Maine, ang “Imagine You & Me,” ipagkakaloob sa kanila ang naturang award.

Nakalatag na ang pangalawang pelikulang pagtatambalan nina Alden at Maine. Nakatakdang simulan ang shooting pagkatapos ng GMA series nilang “Destined to be Yours” next month.

Kinakarir

Pinaghahandaan nang husto ni Kiko Estrada ang role niya bilang Rafael sa “Mulawin Vs. Ravena.” Kinakarir niya ang panonood ng 2004 version nito.

Aniya, habang pinapanood niya, mas lalo siyang nae-excite at na-hook na siya sa kuwento nito.

Ganado siya mag-training para sa fight scenes. Looking forward siya sa mga action scene na gagawin niya sa MVR.

What do you think?

Written by Rowena Agilada

PH thanks neighbors for help

QC’s HIV-AIDS program cited