in , , ,

Aljur, goodbye GMA na?

aljur1-copy-copy

Pasok sa unang selection para sa 2017 Binibining Pilipinas candidates si Mariel de Leon, anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong. Second try ito ni Mariel and hopefully, this time ay matupad na ang dream niyang maging beauty queen.

Noong first try ni Mariel ay chubby pa siya, kaya maybe, bawas ganda points ‘yun sa kanya. Sa lumabas niyang picture sa isang tabloid na naka-two piece swimwear siya noong rumampa siya sa first selection ng 2017 Bb. Pilipinas, payat na si Mariel. Achieved na niya ang magandang hubog ng katawan.

Just curious, nag-join din kaya muli si Winwyn Marquez? Nabalita kasing interesado siyang sumali muli sa Bb. Pilipinas pageant.

Inasar

Tinawanan lang ni Maine Mendoza ang pang-“aasar” sa kanya ni Winwyn Marquez sa social media. Pinanood ni Winwyn ang pilot episode ng “Destined To Be Yours” kung saan may cameo role ang boyfriend niyang si Mark Herras. He played Eboy na high school boyfriend ni Maine (as Sinag).

Iniwan ni Eboy si Sinag na hinabol-habol pa siya ng dalaga. Post ni Winwyn, “Ehhh, sorry Sinag. Ako kasi ‘yung destiny ni Eboy… konti na lang makakasama mo na ‘yung sa ‘yo, si Alden, este ‘yung little boy kanina.” Nireplayan ito ni Maine ng tawa.

By the way, “pinatay” na ang karakter ni Winwyn sa “Encantadia” bilang Helgad. May pumasok namang mga bagong karakter, sina Arra San Agustin (as Ariana), Joross Gamboa (as Manik) at Marx Topacio (as Azulan). Mga punjabwe sila na lahing mga encantado. Ramp model si Marx na boyfriend ni Maxine Medina, Bb. Pilipinas-Universe 2016.

Lilipat na?

Mag-e-expire this month ang kontrata ni Aljur Abrenica sa GMA Network. Mag-renew kaya siya o lilipat na siya sa ibang network?

Sundan kaya niya ang younger brother niyang si Vin Abrenica sa ABS-CBN? May offer ba naman ang Kapamilya Network kay Aljur?

Ano na kaya ang mangyayari sa career ni Aljur? ‘Yan ang mga tanong na kaabang-abang ang mga kasagutan.

Huling napanood si Aljur sa GMA primetime series, “Once Again” with Janine Gutierrez. “Legally Blind” ang follow-up project ni Janine which airs after “Ika-6 Na Utos” sa GMA Afternoon Prime. Si Aljur, “nganga” na after “Once Again.”

What do you think?

Written by Rowena Agilada

3 share clubhouse lead

Stowaway mouse grounds airliner