Null
Null
in

Hinihinalang tulak pinatay sa Ilocos Sur

Patay ang isang babaeng negosyante na hinihinalang drug pusher pagkatapos pagbabarilin sa Zone 4, Bantay, Ilocos Sur noong Biyernes.

Kinilala ni Insp. Edmund Nartatez, Bantay chief of police, ang biktima na si Jennifer Parra, 39, residente ng Balaleng Laudenia, Bantay.

Ayon kay Nartatez, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo nang lumapit ang isang lalaki at pinagbabaril si Parra. Kaagad na namatay ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Tumakas ang suspek samantalang nakuha malapit sa bangkay ng biktima ang limang basyo ng bala ng kalibre .45 na baril. (Freddie G. Lazaro)

What do you think?

Written by Tempo Online

Call a friend

80 pamilya nasunugan