Null
Null
in ,

Paul-Toni engagement inaabangan

TONI Gonzaga

NAPAGBALINGAN na naman si Toni Gonzaga kung kailan sila magiging engaged ng boyfriend niyang si direk Paul Soriano. Latest engaged couple ay sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Hindi kaya napi-pressure si Toni dahil matagal na rin ang relasyon nila ni direk Paul? Ang dami nang nangungulit kung kailan ba sila magpapakasal? Sa isang interbyu kay Toni, sinabi niyang ready na siya sa marriage proposal ng kanyang boyfriend. Bakit nga ba pinatatagal pa ni direk Paul ang kanyang marriage proposal kay Toni?

Peg?
Ang parents kaya ni Toni Gonzaga ang peg ng Mommy Divine ni Sarah Geronimo? Overprotective rin kasi kay Toni ang parents niya.

Kahit matagal na ang relasyon nila ni direk Paul Soriano at kahit nasa tamang edad na si Toni who is 31 years old na, hindi pa rin siya pinapayagan ng kanyang parents na sumamang mag-isa sa kanyang boyfriend.

Parating may kasamang chaperon si Toni kapag nagdi-date sila ni direk Paul. Bawal pa ring mag-overnight si Toni with her BF kahit may kasama siyang chaperon.

Ganyan din si Mommy Divine kay Sarah sa pakikipagrelasyon nito kay Matteo Guidicelli. Bawal mag-date na silang dalawa lang.

Hindi kaya naiinggit sina Toni at Sarah sa ibang showbiz couples na libreng-libre sumasama sa kani-kanilang boyfriends kahit saan na walang kasamang chaperons?

Para silang mga honeymooner na kasal na lang ang kulang. Ipinagbabanduhan pa sa social media kung saan sila nagpupunta. Sabagay, kanya-kanyang trip lang ’yan. Walang basagan. O, di ba?

Gimik lang?
Exclusively dating na raw ngayon sina Erik Santos at Angeline Quinto. Nag-umpisa sa tuksuhan hanggang nagkaligawan diumano sina Erik at Angeline.

Pero bakit kaya parang ayaw maniwala ang ibang tao na may “something” sina Erik at Angeline? Feeling daw nila, gimik lang o press release lang ’yun ng dalawa? Ano nga ba ang totoo?

Parang sina Enchong Dee and his secret girlfriend. Bakit daw ayaw pangalanan ni Enchong ang kanyang GF? Hindi raw kaya press release lang ni Enchong na may GF siya? Ay, Ewan! May masabi lang, di ba, Ronald Constantino? Ibaba mo ang kilay mo.

Dumalo kaya?
May mga nagtatanong kung dadalo ba raw kaya sa wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang former manager niyang si Popoy Caritativo.

Galit-galitan pa rin si Popoy kay Marian sa pag-iwan nito sa kanya.

What do you think?

Written by Rowena Agilada

Di pa nakaka-move on

Super proud lolo wife