Home » Dear Heart

‘Nanganganib matigil sa pag-aaral dahil sa pagdadalang-tao’

Dear Tita Belle, Alam na ni Lawrence na isang buwan na akong nagdadalang-tao at ipinangako niya na hindi niya ako pababayaan at ang magulang niya ay handa rin kaming tulungan sa kalagayan ko. Lalo na sa aking panganganak. Nagalit man noong matuklasan nila ang aking pagbubuntis ay napatawad rin nila kami. Ang nakakatuwa ay suportado pa rin nila ang pag-aaral ni Lawrence kahit sinuway sila ng kanilang... 

‘Ilalayo ng nobyo sa inang maysakit pagkatapos ng kasal’

Dear Tita Belle, Matagal na akong niyaya ni Benjie na magpakasal kami ngunit nagdadalawang isip ako dahil sa Cagayan kami maninirahan at maiiwang mag-isa ang aking inang sakitin na. Anak ako sa pagkadalaga ng aking ina at hindi na siya nag-asawa dahil ibinuhos na niya ang kanyang panahon at pagmamahal. Nararamdaman kong ayaw ni Benjie na makasama ang aking ina sa iisang bubong kaya sa lalawigan nila... 

‘Kinukuha ng ama niya ang anak dahil wala silang naging anak ng asawa’

Dear Tita Belle, Noong nagdalang-tao ako ay hindi ako pinanagutan ng lalaking pinagkatiwalaan ko ng aking puri at dangal. Sa kahihiyan ay nagdesisyon ang aking ama na umalis sa aming lugar at pumunta sa isang lugar na walang nakakakilala sa amin. Napakabait ng aking ama at hindi niya ako itinakwil bagkus sinuportahan at ginabayan pa. Nagalit man siya sa umpisa ngunit napatawad pa rin niya ako at... 

‘Isasama sa Amerika ng tunay na magulang’

Dear Tita Belle, May pumunta sa aming bahay noong nakaraang buwan. Sila ang tunay kong mga magulang. Hindi inilihim ng nakagisnan kong ina ang totoo kong pagkatao. Iniwan ako kay Mama Karla ni Mama Elena, tunay kong ina dahil itatakwil siya ng magulang niya kung malalamang buntis siya. Kapwa abogado ang aking ama at ina at sa Amerika na sila naninirahan. May isa akong kapatid na isinilang sa Amerika. Hindi... 

‘Nagtatago sa batas ang pumatay sa ama’

Dear Tita Belle, Kumukuha ako ng kursong Bachelor of Science in Criminology dahil gusto kong tumulong sa paglutas ng mga krimen sa ating bansa. Nag-iisa lang akong anak na lalaki at dalawang babae ang mga kapatid ko. Noong nakaraang taon ay walang awang pinatay ang aking ama ng kasosyo sa negosyo. Nagtatago ito sa batas sa kasalukuyan at ang napakasakit dala-dala niya ang pera ng kompanya dahil siya... 

‘Pakikitungo ng panganay na anak kasing-lamig ng yelo’

Dear Tita Belle, Nanirahan ako sa Japan ng mahigit labing limang taon dahil nakapag-asawa ako ng isang Hapones na mayamang negosyante ngunit nakapagdesisyon na ako na bumalik na dito sa Pilipinas at dito na gugulin ang natitira ko pang panahong mabuhay. Namatay na ang aking asawa noong nakaraang taon sa isang aksidente. May anak akong dalawa sa naging asawa kong Hapones ngunit ayaw nilang sumama... 

‘Nabunyag ang tunay na estado sa buhay ng lalaking kinakasama’

Dear Tita Belle, Si Mark Joseph ay nagtatrabaho bilang Supervisor sa Israel sa isang garment factory. Nagkakilala kami sa pamamagitan ng pinsan niyang si Tanya na naging kaklase ko sa hayskul. Dalawampung taon ang agwat ng edad namin ngunit hindi ito naging hadlang upang ibigin naming ang isat-isa. Ang internet at cellphone ang daan ng aming komunikasyon. Naging matamis at makulay ang aming relasyon... 

‘Pagdating ng sanggol sa liwanag, magiging hadlang sa pangarap ng ama’

Dear Tita Belle, Ang aking nobya ay apat na buwang nagdadalang-tao. Siya ay kawani sa isang “Law Firm” na pagmamay-ari ng kanyang mayamang tiyuhin. Nasa ikaapat na taon na ako sa kursong Electrical Engineering. Kapwa hindi pa kami handa sa responsibilidad na nakalaan sa amin dahil hindi pa “stable” ang aming kalagayan. Si Allenia ay “bread winner” sa kanila, samantalang ako na ang inaasahan... 

‘Iiwan ang malupit na kapatid dahil napapabayaan ang pag-aaral’

Dear Tita Belle, Ako ang nag-aalaga ng anim na buwang anak ng aking ate Lheila – aming panganay. Ulila na kaming lubos dahil namatay sa isang aksidente an gaming magulang. Malupit ang aking ate, sinasabunutan niya ako kung hindi ko agad nasusunod ang kanyang iniuutos dahil may ginagawa pa ako. Bukod sa pag-aalaga sa aking pamangkin ay ako rin ang pinagawa ng mga gawaing bahay ng aking ate kahit... 

‘Ipinagtapat sa ina ang kamunduhang ginagawa ng ama-amahan’

Dear Tita Belle, Nandidiri ako sa aking sarili dahil gabi-gabi, ginagamit ako ng aking ama-amahan. Walong taon pa lang ako nang maghiwalay ang aking ama at ina. Dalawang taon na naka-wheelchair ang aking ina. Inatake siya sa puso dahil sa mga suliraning ibinibigay ng aking ama-amahan. Maraming bisyo ang pangalawang lalaking minahal ng ina ko. Noong nakaraang linggo lang nalaman ni Mama ang ginagawang...