Home » Entertainment » Prank lang pala!

Prank lang pala!



BY ROWENA AGILADA


Hindi totoo ang ligawang JM de Guzman at Arci Muñoz.

JM de Guzman and Arci Munoz (FB)

Ang dami nilang napapaniwala!

Pati ang ilang celebrity friends nila’y nadala sa gimik at bumati sa kanila.

May mga natuwang fans pero may mga nainis din.

Na-hopia daw sila.

Well, ano’ng malay natin, baka mauwi rin sa totohanan ang kanilang relasyon, diba? 

Baka dinaan lang muna nina Arci at JM sa joke ang lihim na nararamdaman nila sa isa’t isa? 

Baka matulad sila kina Angel Locsin at Neil Arce. Mag-best friends na naging lovers. Engaged couple na sila ngayon.  


Nag-usap muna

Walang awkwardness kina Lovi Poe at Rocco Nacino ngayong magkatrabaho sila sa isang GMA series. Sa interbyu kay Rocco ng “24 Oras,” sinabi niyang nag-usap muna sila ni Lovi bago mag-umpisa ang taping.

LOVI Poe and Rocco Nacino

Bagong kasal lang siya noon na ani Rocco, walang naging problema sa wife niyang si Melissa Gohing. Ito pa nga daw ang nag-push sa kanya na tanggapin ang series.   

Five or six years ago nag-break sina Lovi at Rocco. American ang boyfriend ngayon ni Lovi, si Monty Blencowe. 

Nitong nakaraang Holy Week ay nasa La Union ang aktres kasama ang asong si Max. Hindi nabanggit ni Lovi kung may iba pa siyang kasama.


Ayaw daw?

BEAUTY Gonzalez (IG)

Kung wala si John Estrada sa engagement party ng kaibigan niyang si Derek Ramsay, no show din si Beauty Gonzales na friend naman ni Ellen Adarna. 

Super close friends sila na parati silang magkasama noon sa kanilang mga “ganap.”

How true na diumano’y ayaw ni Beauty kay Derek para kay Ellen?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *