Home » Opinion » Alex-syon of the Day » Kay Kobe ka o kay LeBron?

Kay Kobe ka o kay LeBron?


BY ALEX CALLEJA


Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Alex,

Dahil tumataas ang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas, lalo akong mag-iingat talaga ngayon. Kaya naghahanap ako ng mas matinding alcohol at disinfectant. Yung disinfectant na talagang papatayin agad ang lahat ng germs at virus. Yung sa sobrang lakas, isang spray lang, patay agad. Tapos talagang mabagsik na kahit isang spray lang, tatagal ang epekto ng buong araw. Patay lahat ng mga nasa paligid. Feeling ko kasi yung dati kong disinfectant, mild lang na hindi masyado nakakapatay. May alam ka bang mabibilhan ng disinfectant na talagang mabagsik?

Serg ng Old Balara, Quezon City


Hi Serg,

Kahit may alam ako, mukhang hindi ko bibilhin at hindi ko rin

rerekomendang bilhin mo. Bakit? Baka nakalimutan mo na kapag matindi ang isang disinfectant sa virus, baka pati sayo matindi rin ang epekto. Kaya nagtataka ako sa mga tao na sa sobrang gusto nila mapatay ang COVID-19, parang nakalimutan nila na baka pati sila mamatay din! Ano ang point kung patay ka rin? Easy lang! Wag maging bayani!

*

Hi Alex,

Para maiba naman sa mga nangyayari sa paligid, usapang basketball naman tayo at kalimutan muna natin ang mga COVID na yan. Nakakaburyong na eh! Halimbawa may pustahan tayo ng isang milyon sa basketball at papapiliin kita ng kakampi, sino ang pipiliin mo at bakit? Si Lebron James o si Kobe Bryant? Ang hindi mo pipiliin ay magiging kakampi ko kaya pag-isipan mong mabuti yan! Nakasalalay ang isang milyon, tandaan mo!

Totoy ng Tondo


Hi Totoy,

Sa tono ng sulat mo parang siga ka ng Tondo ha!  Sige, ang pipiliin kong magiging kakampi sa team ay si Lebron James!  Bakit si Lebron James, kasi si Kobe Bryant, patay na!  May kakampi ka ngayon na patay na!  Patay ka sa akin ngayon!  Ang tapang mo ha! 

*

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *