Home » Entertainment » Nilaglag!

Nilaglag!


BY ROWENA AGILADA


Tamad sa mga gawaing-bahay, makalat sa mga gamit at tanga sa pag-ibig.

BEA Alonzo (FB)

Ito ang sinabi ng mommy ni Bea Alonzo tugkol sa kanya sa isang vlog.

Ayon pa sa mommy ni Bea, malakas siyang maghilik, burara, magastos, maarte sa katawan at malihim, lalo na sa pag-ibig.

Nang tanungin ni Bea kung sino sa  ex-boyfriends niya ang ayaw nito, sagot ng mommy ni Bea: “Obvious ba kung sino?”

“Alagaan mo ang puso mo anak. Hinay-hinay lang,” dagdag-payo pa niya sa anak.

Ang gusto lang niya sa magiging boyfriend ng anak ay ang maging totoo at hindi babaero.

Si Dominic Roque na kaya ‘yun?


Handang ipaglaban

Inamin ni Kristoffer Martin sa “The Boobay and Tekla Show” na “sila” na ni Liezl Lopez.

KRISTOFFER Martin and Liezl Lopez

Aniya, mahal na mahal niya ito at handa niyang ipaglaban ang kanilang relasyon.

Pangalawang showbiz girlfriend niya si Liezl na ang una’y si Joyce Ching na married na ngayon sa isang non-showbiz guy.

Non-showbiz girl ang huling naka-relasyon ni Kristoffer at may isang anak sila.

Ani Kristoffer, araw-araw ay na-mi- miss niya ang anak na nasa poder ng ina. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *