Home » Entertainment » Kasalan na?

Kasalan na?


BY ROWENA AGILADA

ELLEN Adarna and Derek Ramsay (IG)

Si Ellen Adarna na raw ang “The one” para sa kaniya, ani Derek Ramsay.

Diin niya gusto na raw niya itong pakasalan dahil ‘yun daw ang sinasabi ng kanyang puso.

Talaga lang, ha?

Sinabi na niya rin ito noong “sila” pa ni Andrea Torres. Nag-feeling wife na nga ang huli.

Tinaningan ng netizens na hindi rin magtatagal ang relasyon nina Derek at Ellen. 

Extra-challenge daw ito sa kanila sabi pa ni Derek.

Well, kung matuloy man, walang masama. Parehas silang single at nasa marrying age na. Parehas rin silang may anak sa kanilang previous partners. 

Sixteen years old na ang anak ni Derek na si Austin sa ex-wife niya.

Two years old naman si Elias Modesto, anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz.


ANGELICA Panganiban (FB)

Babala

May babala ang netizens kay Angelica Panganiban, ex-girlfriend ni Derek Ramsay. 

Sana raw ay itinago muna ni Angelica sa publiko ang rich businessman boyfriend niyang si Gregg Homann.

Baka raw jowain din ito ni Ellen.  

Jinowa raw kasi ni Ellen ang ex-boyfriends ni Angelica na sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay. 

May gano’n talaga? Baka naman nagkataon lang.


ROBIN Padilla and Mariel Rodriguez (FB)

Kapuri-puri

Pinuri ng netizens ang mag-asawang Robin at Mariel Padilla sa magandang trato nila sa kanilang mga kasambahay.

Pamilya ang trato nila at pinatira nila ang mga ito sa isang compound kasama ang kani-kanilang pamilya.

Kanya-kanyang apartment, naka-aircon pa at may mga appliances. Apat lang sina Robin, Mariel at dalawang anak nila, pero ang dami nilang kasambahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *