Home » Entertainment » Cassy Legaspi, di nagmamadali

Cassy Legaspi, di nagmamadali


BY RUEL J. MENDOZA


Hindi raw magmamadaling magpaligaw at magkaroon ng lovelife si Cassy Legaspi.

Kahit na nasa tamang edad na siya para magkaroon ng suitors, iniisip niya ang mga advice sa kanya ng parents niyang sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. 

CASSY Legaspi

Laging paalala ni Nanay Carmina sa kanya ay huwag daw agad ma-fall sa manliligaw niya.

“‘Yung number one, don’t rush into love kasi it will come. Love will come, just mag-relax-relax ka lang. And if you do fall in love, protect your heart,” sey ni Cassy.

Si Tatay Zoren naman ang pinaka-strict pagdating sa topic ng lovelife. 

“Yung dad ko naman super strict naman siya sa lovelife ko hanggang ngayon. He will always say, ‘take your time. Don’t rush, pero ngayon focus sa sarili mo lang. Love will come to you. If it’s meant to be, it’s meant to be’,” sey ni Cassy na lalabas sa kanyang unang teleserye na First Yaya sa GMA-7.

Loveteam ni Cassy ay si JD Domagoso. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *